Chapter 19

14.2K 625 322
                                    


Aphrodite's POV

"Dite!" mahaba at malakas na banggit ni Rigel sakin. Namumula ang mukha nya sa sobrang inis. Kung pwede lang ay nagkadikit na ang dalawa nyang kilay.

"Dite, ano ba?" natatakot na sabi ni Zandy.

"Gago ka Dite, umayos ka dyan." ganon din si Julia.

"Patay na naman tayo." sabi ni Melai.

"Fuck it, Dite!" sigaw na naman ni Rigel.

"Kumilos ka dyan, Dite." sabi ni Joella.

"Maawa ka samin, Dite." sabi ni Lee.

"Bwisit ka bulinggit." sabi naman ni Kennie.

Tinignan ko lang sila. Mga takot silang lahat. Ano bang kinatatakutan nila kay Rigel? hindi naman sila sasaktan ni Rigel, papahirapan lang. Pwede naman nila hindi gawin ang pinapagawa ni Rigel kung nahihirapan sila. Masyado silang takot.

"Di-Dite. Lu-lumapit ka na kay Rigel, please?" tumingin ako kay Titania.

"Takot ka?" tanong ko sa kanya. Medyo nabigla sya dahil kinausap ko sya. Hindi ko sya madalas kausapin.

"O-oo." sagot nya.

"Dite!" sigaw ulit ni Rigel. Nilingon ko sya.

"Bakit hindi ikaw ang lumapit sakin?" tanong ko sa kanya. Kung pwede lang din, may lumabas na usok sa ilong nya sa sobrang badtrip nya.

"Dite!" saway naman ng lahat sakin.

"Ikaw may kailangan 'di ba? ikaw ang lumapit." sabi ko.

"Bwisit ka, Dite." sabi ni Julia.

"Ang lakas ng loob mo." sabi naman ni Lee.

"Dite." napatingin kaming lahat sa tumawag sakin. Si Mama at si Tita Kill. "Halika ka dito, pati ikaw Rigel." sabi ni Mama.

"Ayan na." sabi ni Joella.

Hindi ko sila pinansin. Sumunod agad ako kay Mama at Tita Kill na lumabas ng gym. Pinauna ko maglakad si Rigel dahil baka saktan nya ako sa sobrang inis nya sakin.

Medyo malayo sa gym kami tumigil. Tumingin ako sa gym at nakita ko silang lahat na nakatingin samin. Mga chismosa.

"Dite, ginagalit mo na naman si Rigel." sabi ni Mama. "Baka maagang tumanda itong si Rigel, sa ginagawa mo." hindi ko alam kung biro ba 'yon o ano. Ang seryoso nilang tatlo.

"Bakit ba kasi hindi mo sinusunod ang mga pinapagawa ni Rigel?" tanong ni Tita Kill.

"Para saan pa? kung sana kanila Zandy na lang nya ituon ang atensyon nya para mas gumaling ang lima." sabi ko.

"Dite." saway ni Mama. "Hindi kasalanan ni Rigel kung bakit ka nya pinipilit magtraining. Kagustuhan namin iyon ni Ate Kill."

"Bakit pa?" tanong ko sa kanila. Ayoko ang pinag-uusapan namin. Ito na naman kami.

"Ayaw mo bang gumaling, Dite?" tanong ni Tita Kill.

"Ayoko na po." sagot ko. "Kaya tanggapin na ninyong hanggang dito na lang ako."

"Sana umalis ka na lang sa team dahil dagdag pabigat ka lang." sabi ni Rigel. "Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang umaayaw. Pasalamat ka nga, pinagtya-tyagaan ka pa ng buong team sa inaasta mo. Kahit si Zandy, hirap na hirap na sayo dahil gusto nya lang naman na bumalik ang dati mong galing pero sinasayang mo. Mas maganda talagang umalis ka na lang sa team dahil wala ka naman naiaambag. Sakit ka lang sa ulo namin eh. Imbis na alahanin namin kung paano talunin ang ibang team, iniisip ka pa namin. Napakawala mong kwenta sa totoo lang." sabi nya. Hindi naman umimik ang dalawa dahil marahil ay alam nilang totoo ang sinasabi ni Rigel

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now