Chapter 75

14.8K 622 215
                                    


Kriza's POV

Huminga ako ng malalim habang kaharap ko si Liza na drini-dribble ang bola. Hindi sya nakatingin sakin kundi sa likuran kung saan si Dite. Kanina pa yan na nakatingin kay Dite simula nung pumasok si Dite. Halatang interesado sya kay Dite, pero pasensyan na lang sya, walang paki si Dite sa kanya.

Bumilis ang dribble nya at pagkilos. Sumugod sya sa kanan ko na sinundan ko naman. Napatingin sya sakin dahil hindi sya makalagpas sakin. Bigla syang tumigil at ipinasa ang bola sa kanang kamay nya tsaka nagbalak pumunta sa kaliwa ko pero naharangan ko rin agad sya. Napaatras na sya dahil don. Nagtataka naman syang tinitignan ako.

Nag-crossover sya at nag-step forward sakin na ikaatras ko tsaka sya bumalik sa pwesto nya at tumalon. Mabilis akong humabol at nagawa kong i-block ang bola. Tumakbo ako nung nakuha ni Kennie ang bola. Ipinasa nya sakin ang bola kahit na nauuna sya. Nakahabol sakin si Liza kaya tumigil kaming parehas. Alerto syang nakabantay sakin. Tumingin ako sa kaliwa at ikinilos ang katawan ko papunta sa kanan kasabay ng pagpasa ng bola sa kanang kamay. Kumilos agad si Liza sa dadaanan ko. Ipinasa ko sa likuran ang bola papunta sa kaliwang kamay ko tsaka ako dumaan sa kaliwa. Mabilis talaga si Liza kaya nahabol nya ako pero tumigil ako at umikot sa kanan. Dali-dali akong tumakbo sa ring at nag-lay up. Humarang ang kamay ni Liza sa ring. Ipinasa ko ang bola sa taong nasa likuran ko. Si Eloiza. Sya na ang tumira ng bola sa ring. Nakipag-apir ako sa kanya.

Kinuha ko ang laylay ng jersey ko at pinunasan ang bibig ko habang patakbong patalikod at nakatingin sa Leon Sparks. Binitawan ko agad ang jersey nang makitang patakbo ng mabilis si Liza. Hinarangan ko sya pero inikutan nya ako kaya nakalagpas sya. Sinundan ko sya at nung nag-lay up sya ay hinampas ko ang bola. Nagkatitigan pa kami ni Liza habang nasa ere. Tumakbo agad ako pagkababa sa sahig. Ipinasa muli sakin ni Kennie ang bola at nararamdaman ko nakasunod sakin si Liza. Tumigil ako at inikutan rin sya sa kabilang side nya pero hindi ako nagpatuloy at umastang ititira ang bola. Tumalon si Liza kaya agad kong ibinaba ang bola at nilagpasan sya. Tumakbo ako sa ring at muli na naman nakahabol sakin si Liza dahil naharangan nya na naman ang ring nung nag-lay up ako. Imbis na itira ang bola sa ring ay sinadya kong ipatama ang bola sa board. Tumingin ako sa likuran at nagawang i-dunk ni Blysse ang bola. Nakipag-fist bump ako sa kanya habang patakbo kami sa kabilang side.

"Himalang may tiwala ka pa rin sakin." sabi nya. Tinignan ko ito tapos si Eloiza na nakatayo sa kabilang gilid.

"Hangga't alam kong kasama ko kayong maglaro. Alam kong lagi kayong nakaabang." sagot ko.

Nung nasa Japan kami, ganito palagi ang nangyayari samin. Ako palagi ang minamarkahan kaya laging may nakabantay sakin. Hindi ako makapuntos dahil sa mga nagbabantay sakin pero nagagawa pa rin namin manalo dahil sa dalawa. Nasa likod palagi ang dalawa na handang umatake.

Maraming nagsasabi na namana ko kay Mama Avey ang galing ng pag-assist na kahit hindi ako tumingin sa likuran o magsalita, naipapasa ko ang bola sa taong open. Sabi nga nila, pwede akong mag-point guard dahil bukod kay Mama Avey, nandyan si Mommy Kill na magaling rin magpasa ng bola pero ayoko ng ganon. Hindi ko masasabayan si Zaparta.

"Nice, Kriza. Akalain mo naman, mapipigilan mo pala si Liza." nakangising sabi ni Kennie.

"Isa lang ibigsabihin nyan. Magaling ako." sagot ko sa kanya. Tinignan nya ako tapos tumawa sya. Lumapit sya sakin na halos ilang inches na lang ang mukha namin.

"Hindi ka sure." ngising sabi nya at lumayo samin.

Bigla kaming napatingin ni Blysse dahil mabigat na pagtalbog ng bola. Nakita namin si Liza na seryosong nakatingin samin. Napaayos kami ni Blysse. Mukhang seseryosohin na talaga ni Liza ang laro.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now