Chapter 81

13.1K 612 338
                                    



Zaparta's POV

Napasandal ako sa upuan habang hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagpipigil ko ng hininga.

Muntik na. Muntik ng manalo ang Shakers. Pigil hininga talaga kaming lahat sa huling tira ni Tyrant na nagpatigil sa aming lahat. Kaba ang nararamdaman halos lahat dahil don. Lamang kami ng isa sa Shakers at sa huling segundo ay inihabol ni Tyrant ang huling tira nya. Hindi ko alam kung nahabol ba ni Kriza ang bola dahil pagkatama nito sa ring ay umikot pa ito kaya sobra-sobra ang kaba namin kung saan babagsak ang bola. Sa loob ba ng ring o sa labas.

Nagpapasalamat naman ako na hindi ito pumasok sa ring. Kung sakali, pagsisisihan ko na hindi ako nakapaglaro sa Summer Cup. Hindi ako hinayaan nila coach na maglaro kahit na nalamangan kami ng Shakers. Pinipigilan nila ako kahit na sinasabi ko na kahit isang minuto lang ay ipasok nila ako.

Hindi kinaya ni Kriza ang dalawang nagbantay sa kanya. Si Eloi at Astris. Taob na taob si Kriza sa kanila kaya naman nakahabol samin ang Shakers. Kahit na madalas maging open si Blythe, mabilis syang nahahabol ni Tyrant kaya naman hindi rin kami makapuntos. Kaya naman ipinasok nila coach si Justin para mag-tres at naglalamangan na ang dalawang team hanggang sa huling segundo.

Kamuntikan na talaga kami ron.

"Nice game." sabi ko kay Kriza pero nakasimangot ito. Ang panget ba naman ng laro nya ngayon.

"Bawi ka na lang sa final." tinapik ni Faith si Kriza sa likuran bago lumapit sa iba pa namin kasama.

"Tama, sa final ka na lang bumawi. Siguradong si Dite ang makakaharap mo." sabi ko sa kanya.

Bumuga ng hangin si Kriza. Napangiti ako at tinapik ko sya sa balikat tsaka lumapit sa ibang naglaro.

Dalawang araw simula ngayon ang final game. Makakaharap namin ang Miracle. Mahihirapan kaming kalabanin ang Miracle dahil sa tatlo nilang miyembro na nagpataob ang kambal at si Blysse. Kaya ni Lulu si Blysse pero hindi ko alam sa ibang miyembro namin kung kaya ang isa sa kambal. Siguradong isa sa kambal ang kailangan bantayan ni Kriza. Kung makakalaro lang ako simula una ng laro.

"Bukas ay may practice pa rin tayo. Walang mala-late dahil final na ang huling laro natin sa Summer Cup. Kung may nararamdaman kayo, magsabi kayo. Ayokong magtago o magsinungaling satin dahil lang nasa final game na tayo. Marami pang pagkakataon para makalaro tayo kaya alagaan ninyo ang sarili ninyo." sabi ni coach Ella nasa bus kami ngayon papunta sa bahay ng Dragon Empire.

"Zap, wag ka ng pumunta bukas. Magpahinga ka lang sa inyo. Sasabihan ko si Alicia na bantayan ka dahil baka kung ano ang gawin mo at hindi pa kita palaruin sa final." sabi ni coach Avey. Napatingin naman sakin ang iba dahil sa sinabi ni coach Avey. Tumango ako pagkatapos ay bumuntong hininga.

Tumingin ako sa katabi ko na hinawakan ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

Pagkarating namin sa bahay ng Dragon Empire ay isa-isang nagsibabaan ang mga kasamahan ko. Nakita ko naman sa labas ang kotse ni Mama Alicia. Labag sa loob kong tumingin kay Kriza.

"Pupunta ako sa inyo bukas pagkatapos ng practice namin. Pinayagan ako ni Mommy na sa inyo ako matutulog hanggang sa final game." sabi nya.

"Okay, magpahinga ka kapag tapos na kayo." sabi ko. Sigurado kasing may gagawin pa sila.

"Alright. Wag kang magkikilos masyado para makasama kitang makalaro sa final." sabi nya at hinalikan ang noo.

"Yes po." nakangiting sabi ko. Nagpaalam na ako sa ibang kasamahan namin bago ako pumunta sa sasakyan ni Mama Alicia.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now