Chapter 43

15.4K 612 227
                                    



Zoe's POV

Natapos na ang Winter Cup Tournament at ang nanalo ay ang Shakers. Mukhang kasing galing ng Shakers ang Meteorite dahil sila lang ang nakagawang magpa-sub ang Meteorite. Kahit na natatalo na ang Meteorite ay hindi pa rin naglaro ang kambal pero sa pagkakataon na 'yon ay nanood na sila ng laban. Sarap tuktukan ng kambal na 'yon dahil nung laban namin sa kanila ay mga natulog at naglaro lang ng cellphone. Manang mana kay Astra.

Tradisyon na ng tatlong team na magsama-sama sa dinner pagkatapos ng Cup Tournament pero ngayon ay kasama na namin ang Meteorite pati ang mga magulang nilang nanood ng Final Game.

Magkakasama kaming mga matatanda sa isang mahabang table. Nagkaroon tuloy kami ng mini reunion. Nag-order sila ng mga alak at madaming pagkain. Napangiwi ako dahil mukhang mapapainom ako ng madami ngayon.

"Nasaan si Alexa?" tanong ni Astra. Katabi ko sya ngayon tapos sa kabilang gilid ko ay si Japan. Katabi nilang parehas ang mga asawa nila.

"Sa bahay, binabantayan ang mga bata." sabi ko. Hindi na sumama sa dinner si Alexa dahil maaga silang aalis ni Alex bukas, may field trip kasi ito.

"Sana sinama mo na pati ang mga anak nyo." sabi ni Astra. Halos lahat kasi nandito ay dala ang mga anak nila.

"Maagang aalis si Alex at Alexa bukas dahil field trip ni Alex." sabi ko. May sasabihin pa sana ako pero narinig kong tumawa si Sylvia. Ang lakas talagang tumawa non. Hindi mo alam kung nang-aasar o talagang masaya eh.

"Bakit kami maglalaro ni Asta eh kaya na nila Abi 'yon." sabi nya. Ang lakas ng pagkasabi nyang 'yon kaya napatingin kami sa kanila. Magkasama sa table sina Asta, Sylvia, Lulu, Tyrant, Zandy at Lee. Nakatayo naman sa harapan nila si Janine.

"Bakit hindi kayo naglaro kanina kung kaya nila Abi?" tanong ni Julia na katabi lang ng table nila Zandy.

"Kaya nila, pinagbigyan lang nila ang Shakers." sabi ni Sylvia.

"Astra, yung anak mo naghahanap na naman ng away." sabi ko na hindi nililingon si Astra. Dahil sa pagiging mayabang ni Sylvia ay madami syang nakakaaway.

"Pinagbigyan?" mukhang na-trigger si Samantha at napatayo din.

"Abi!" tawag ni Sylvia tapos sumubo ng karne na hindi gumagamit ng tinidor.

"Ayoko ng gulo, Sylvia. Ikaw na bahala dyan." sabi ni Abi tapos nagpatuloy sa pagkain.

Muling tumawa si Sylvia at tumayo para harapin si Samantha. Napailing ako. Mukhang magkakagulo sila at ngayon lang ito mangyayari sa buong team dinner namin. At mukhang wala din gustong umawat sa mga kaibigan ko sa gulo ng mga bata.

"Dahil takot si Abi─" hindi pa tapos magsalita si Sylvia nung sumabat si Abi.

"Hindi ako takot." sabi ni Abi na may nakakatakot na boses. Napataas ng dalawang kamay si Sylvia. Now I know kung bakit si Abi ang captain nila.

"Fine, chill!" sabi ni Sylvia tapos tumingin kay Samantha. "Maniwala man kayo o hindi, pinagbigyan lang namin kayo. Nakakaawa naman kasi kayo dahil ngayon taon nyo lang nagawang maging champion." maangas na sabi ni Sylvia. Sa sinabi nyang 'yon ay lahat ng Shakers ay na-trigger nya.

"Sylvia, tumigil ka nga dyan." awat ni Zandy.

"Ayoko nga!" parang batang sabi ni Sylvia pero naging pilyo din. "Para sabihin ko sa inyong lahat. Hindi ninyo kami kayang talunin sa lagay ninyo ngayon. Ang daming butas, ang daming kahinaan. Sobrang daling talunin." nakangising sabi ni Sylvia.

"Masyado kang mayabang." sabi ni Stace.

Nakitbitbalikat si Sylvia. "May ipagmamayabang naman."

"Astra, kanino nagmana yang anak mo?" tanong ni Japan.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now