Chapter 77

14.3K 607 268
                                    


Aphrodite's POV

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Nakapikit ang isang matang tinignan ko ang katabi ko pero wala na sya. Tumingin ako sa paligid tsaka tumayo. Humikab ako at tinignan ang oras.

Masyado akong napagod kagabi kaya tinanghali na ako ng gising. Madalas na gising ko ay alas cuatro pero ngayon ay alas siyete na.

Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya. Lumabas ako ng kwarto na tinutuluyan namin. Nakita ko si Tito Pete na syang asawa ni Tita Yzak na nagbabasa ng diaryo sa sala. Napatingin sya sakin.

"Good morning." pagbabati ko. Tumango lang ito at ibinalik ang tingin sa diaryo.

Nagtungo na ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Lumabas ako pagkatapos. Nakita ko si Tito Pete sa kusina.

"Kumain ka na. Nasa labas ngayon ang dalawa pero parating na rin ang mga 'yon dahil kanina pa sila umalis." sabi nya at naglapag ng pandesal at kape sa lamesa. "Wag mong ipilit ang sarili mo kung hindi mo kaya." sabi nya pa. Nag-sign sya na maupo na ako.

Sumunod ako sa kanya. "Hindi ko pinipilit ang sarili ko, yun ang kaya kong gawin." sagot ko at kumuha ng pandesal.

"Sinabi ng kasama mo na hindi ka tinatanghali ng gising kahit pagod na pagod ka. Bakit ngayon?" naupo sya sa harapan ko. "Hindi normal ang pag-akyat baba ng bundok kahit na madalas kang tumatakbo. Wag mong ipilit ang sarili mo. Hindi ka naman pagagalitan ni Yzak." sabi nya.

"Kung ganon, bakit nya sinabi na kulang ang ginawa ko?" tanong ko. Naka-limang balik ako paakyat baba kahapon. Mag-aala sais ako tumigil dahil nagdidilim na.

"Ibigsabihin lang non ay hindi mo nakuha ang expectation nya sayo. Nagka-usap kami kagabi, inaasahan nya na mas makakarami ka ng ikot dahil anak ka ni Zoe pero hindi sya nadi-disappointed sayo. Tama lang na pinapunta ka ni Zoe kay Yzak para tulungan ka." sabi nya.

Hindi ako nakasagot dahil pinag-iisipan ko ang sinabi nya. Humigop ako ng kape habang iniisip kung bakit ako pinapunta ni Mama rito.

"Gising ka na pala." tumingin ako sa gilid at nakita ang dalawa. Napatingin ako sa suot ni Rigel dahil madumi ito.

"Nagtanim kami at namitas ng mga gulay." sagot ni Tita Yzak na tila nababasa ang isip ko. "Naligo ka na ba?" tanong nya sakin. Umiling ako. "Good, sa talon ka na maliligo dahil may gagawin ka ron. Nasabi na sakin ni Rigel ang mga training na pinaggagawa mo at maganda 'yon, may idagdag lang tayo. May ituturo rin ako sayong technique na tinuro ko rin kay Zoe pero hindi nya nagawa." sabi nya.

"Ano naman 'yon?" tanong ko.

"Malalaman mo rin." nakangiting sagot nya.

Tumingin ako kay Rigel pero umiling ito sakin.

Nagtungo kaming tatlo sa talon na sinasabi ni Tita Yzak. Hindi gaano kalakasan ang pag-agos ng tubig pababa pero kung tatayo sa ilalim non, siguradong hindi magtatagal.

"Tumayo ka ron." nakakunot noong nilingon ko si Tita Yzak. "Isang oras kang tatayo ron."

"Seriously?" tanong na pabalik ko sa kanya.

"Yes, go." nakangiting sabi nya at nginuso pa ang pwe-pwestuhan ko.

Nakakunot ang noo kong tinignan sya bago ko sya sinunod. Dahang-dahan akong bumaba sa tubig. Malamig ang tubig. Nagtungo ako sa ilalim ng talon. Napapikit pa ako nung tumama na sakin ang tubig na bumabagsak sa itaas. Humarap ako at nakita kong nagtatanggal ng damit ang dalawa. Naiwan lang ang brassier at underwear nila.

Pumikit ako dahil sa pagbagsak ng tubig. Masarap sa pakiramdam ang pagbagsak ng tubig sa balikat ko pero sa ulo ay hindi. Muli akong padilat nung masanayan ko ang tubig. Hindi ko nakita si Tita Yzak pero si Rigel ay nandon.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now