Chapter 39

17.3K 816 563
                                    


Zaparta's POV

Sawakas! dumating na din ang huling araw namin dito sa Empire Island. Simula nung laban namin ni Blysse nung nakaraan ay hindi na ako makapaghintay na makabalik sa camp at magpatulong kay coach Ella. Sobrang excited na akong mag-training ulit kay coach Ella dahil alam ko na ang mga kahinaan ko. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko na talagang mag-training ulit.

Pagkatapos kasi ng event nung nakaraan ay pinagpahinga na nila kami. Gusto ko ngang mag-training kahapon kaso pinagbawalan ako ni Marceline at Kriza na mag-training at gusto nilang magpahinga na lang ako dahil napagod daw ako sa laban namin nung nakaraan. Pagod ako pero gusto ko pa rin mag-training pero hindi ako pinayagan ng dalawa at binantayan talaga nila ako. Parang mga ewan lang.

At dahil huling araw na namin ngayon ay ngayon na gaganapin ang pageant. Pagkatapos naming kumain lahat ng lunch ay pumunta kami sa gym. Nagulat kami dahil may mga design na ang gym. Tinapalan din yung sahig para hindi masira. May mga upuan na nakaharap sa stage. May limang mala-emperor chair ang nasa stage at bawat upuan ay may simbolo ng bawat Empire team. Nasa gitna ang simbolo ng Dragon katabi ang Mušḫuššu at Basilisk. Katabi ng Basilisk ang Wyvern tapos Qilin naman sa katabi ng Mušḫuššu. Sa likuran naman ng Dragon, Mušḫuššu at Basilisk na upuan may daanan. Siguro doon kami lalabas mamaya. 

Sinabi ni Stace na wala dapat akong pagsabihan sa kahit kanino sa mga kasamahan namin na ako ang representative ng Dragon para surprise mamaya. Sinabi nya din na palihim akong umalis mamaya para walang makapansin. Hindi naman daw agad mag-uumpisa ang pageant kaya dito muna daw ako. Ime-message nya na lang ako kapag kailangan na ako.

"Good afternoon, everyone!" sigaw ni Trevor habang naka-mic. Kasunod nya si Dru.

"Bilang panimula sa event natin ngayon, tumayo tayong lahat para magdasal at kumanta ng lupang hinirang." sabi ni Dru.

Tumayo kaming lahat. Tumayo sa gitna si Chelsea at sya ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos non ay humarap kami sa watawat ng pilipinas habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamay namin. Umupo ulit kaming lahat pagkatapos ng kanta.

"Okay, nagpapasalamat kami dahil naging successful ang Empire Tournament natin at nakita namin na talagang nag-improve kayo dito. Isang buwan lang kayo dito pero madaming nangyari. May maganda at panget na nangyari." sabi ni Dru. Nasa gitna sila ng stage ni Trevor.

"At nagulat ninyo kami dahil mabilis kayong nagkasundong lahat. Iniisip namin na ilang araw bago matapos ang Empire Tournament ay doon lang kayo magkasundong lahat." sabi ni Trevor na ikinangiti ko. "Mabuti na hindi ninyo pinatagal dahil masayang gumawa ng memories dito sa Empire Tournament kahit na hindi maganda ang tinutulugan ninyo." sabi nya na ikinatawa namin.

"Bawat rookies ay dumadaan talaga sa bahay na 'yon bago kayo makatulog sa magandang bahay, depende kung magst-stay kayo sa team ninyo." sabi ni Dru.

"Yup, karamihan kasi ay may umaalis. Ang dahilan nila? gusto nilang talunin ang team natin na hindi matalo talo." sabi ni Trevor.

"Pwera samin." dagdag ni Dru na ikatawa namin. Sila kasi ay natatalo ng Meteor. "Pero babawi kami, syempre."

Medyo humaba pa ang speech nila. Hindi boring pakinggan ang speech nila dahil palaging may nakakatawang pangyayari ang sinasabi nila. Nag-aadvice din sila samin sa mga dapat namin gawin in the future tapos sa bandang huling speech nila ay naging malungkot na. Pinaalala nila samin yung saya na naramdaman namin dito at kung paano naming naging kaibigan ang ibang mga rookies. Nakakalungkot dahil matagal tagal pa ulit bago namin sila makita. Nakakamiss pala talaga sila kahit isang buwan lang namin sila nakasama. 

"Okay! tama na ang drama. Simulan na natin ang awarding!" masayang sigaw ni Trevor. Pumasok sa stage sila Jak, Chelsea at Stace sa stage kasama ang mga medal, flowers, certificate.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now