Chapter 32

16.6K 700 255
                                    


Zaparta's POV

"Dito...kami matutulog?" sabi ko habang nakatingin sa bahay na sinaunang panahon pa dahil kahoy-kahoy ang itsura ng bahay. Malaki ang bahay at apat ang palapag pero pasok na sya sa horror house sa itsura nya.

"Yup. Lahat ng rookies ay dito matutulog." nakangiting sabi ni Lori.

"Paano naman kayo? saan kayo matutulog?" tanong ni Apple.

"Sa bahay na mas maayos dito." nakangiting nang-aasar na sabi ni Carla.

"Pinagdaanan din namin ito kaya wag kayong magreklamo dyan." sabi ni Kimberly. Paanong hindi kami magrereklamo, nakakatakot yung itsura ng bahay. Tila ang hirap tuloy matulog nito sa gabi.

"As usual, nauna na naman tayo dito." sabi ni Lyte.

"Lagi naman late ang mga 'yon. Pumasok na tayo sa loob." sabi ni Stace at naunang pumasok sa loob.

Sumunod kami sa kanya. Pumunta kami sa ikalawang palapag ng bahay. Pumasok kami sa isang kwarto. Ang akala ko ay maliit na kwarto lang 'yon pero sobrang lawak pala.

"Teka, wag ninyong sabihin na sa sahig kami matutulog?" sabi ni Marceline.

"Sa lapag talaga." sabi ni Rian. Hindi ba sila nagbibiro? hindi na nga maganda ang bahay tapos sa sahig pa kami matutulog?

"Nasa cabinet ang gagamitin ninyong kutson at unan. Yung mga gamit ninyo ay iligay lang ninyo sa gilid." sabi ni Lori.

Nakangiwi ako. Paano kaya kami makakapagpahinga ng maayos dito? bakit hindi nasabi sakin ni Ate Zoe na ganito pala ang kahihinatnan namin dito?

"Babalikan namin kayo mamaya kapag kakain na. Sabay-sabay tayong lahat kumain kaya may pagkakataon na makilala ninyo ang ibang team." sabi ni Stace.

"Sulitin na ninyo ang pahinga ninyo ngayon dahil bukas ay magsisimula na ang disaster ninyo." babala ni Lyte.

"Bukas ba agad ang laban namin sa ibang team?" tanong ko.

"Oo kaya kailangan ninyong magpahinga ng maayos para may lakas kayo bukas." sabi ni Stace. Napatango na lang ako. Mukhang mahirap ang dadaanin namin dito sa Empire Island.

Umalis na din ang mga seniors kaya naman nag-ayos na kami ng mga gamit namin. Kinuha na din namin ang kutson, unan at kumot na gagamitin namin tapos naghanap ng mga pwesto. Katabi ko si Math at Marceline habang sa gilid ni Marceline si Kriza. Katabi ni Kriza ang pader kaya wala syang iba pang katabi.

Nakarinig kami ng tawanan at yapag na nagmumula sa ikatlong palapag. Mukhang may dumating na ibang team bukod samin. Mukhang okay lang sa kanila na ganitong bahay ang tutulogan nila habang kami ay malungkot.

Dumungaw ako sa bintana at may nakita akong tatlong babae. Yung isa ay naka-boy cut pero mahahalata mo pa din na girly kumilos at yung isa ay naka-ponytail habang yung isa ay nakalugay ang buhok. Pare-parehas silang magaganda. Naniniwala na talaga akong kinukuha din ng Empire Team ay yung may itsura.

Napatingin sakin ang naka-boy cut tapos kumaway kaya naman napatingin na din sakin yung dalawa. Alanganin naman akong kumaway sa kanila. Ngumiti sakin ang nakalugay ang buhok habang yung naka-ponytail ay inismiran lang ako. Base sa kulay ng damit nila ay taga-Basilisk Empire sila.

Maya-maya din ay umalis na sila. Nakitbitbalikat na lamang ako at tuminign sa mga kasamahan ko. Nagulat ako dahil nakatingin sila sakin.

"Ba-bakit?" nakakagulat naman ang mga ito.

"Sino ang kinakawayan mo sa labas?" tanong ni Cleo.

"May tao sa labas, taga-Basilisk Empire. Kumaway sakin yung isa kaya napakaway na din ako." sagot ko.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now