Chapter 72

16K 643 206
                                    



Third Person's POV

Hindi maipinta ang mukha ni Avey habang inililibot ang paningin sa mga taong nasa gym. Sa pagkakaalam nya, practice lang itong magaganap ngayon pero bakit ang daming tao?

"Okay, sabihin ninyo sakin kung bakit nandito kayong lahat." tanong ni Avey sa kanila.

"Ano pa ba? para suportahan sila!" sagot ni Samantha.

"Sa pagkakaalam ko ay practice pa lang ito." sabi ni Avey. Lahat ng miyembro ng apat na team ay nasa gym para suportahan at panoorin ang miyembro ng Dream Team, ang team na lalaban sa Leon Sparks. Literal na dream team ang team na ito dahil sa pitong miyembro.

"Yan ang gusto ko sa inyo!" masayang sabi ni Sylvia. 

"Wala lang sila magawa kaya sila nandito." sabi ni Blysse.

"Kahit nandito ang girlfriend mo?" patanong na sabi ni Asta.

Tatlong miyembro mula sa Meteorite. Sinabi ni Sunny sa buong team ng Meteorite na may practice ngayon ang Dream Team kaya naman nandito sila para panoorin mag-practice ang teammates nila.

"Ayokong nandito sila." nakabusangot na sabi ni Eloi.

Si Eloi mula sa Shakers. Wala itong pinagsabi sa practice ngayon kaya nagulat ito nung mas nauna pang dumating ang mga ka-miyembro nya sa Shakers kaysa sa kanya. Hindi na ito nagulat kung paano nila nalaman.

"Bakit nandito rin ang mga seniors?" bulong na tanong ni Kriza habang nakatingin sa mga dati nyang seniors na kumakaway sa kanya.

Si Kriza mula sa Dragon Empire. Gustong isali ni Avey si Blythe o si Marceline pero umayaw ang dalawa o kahit ang ibang Dragon Empire. Nahahalata nyang pinagkakaisa sya ng buong team dahil sa mga kasama nya.

"Masaya ka siguro dahil nandito rin si Rigel para suportahan ka." ngising tukso ni Kennie kay Dite.

"Pinilit ko lang yan." honest na sagot ni Dite. Tinignan ni Kennie na hindi makapaniwala sa ginawa ni Dite. Napailing na lang sya kinalaunan.

Dalawang miyembro mula sa Miracle. Nae-excite sila na makasama ni Dite ang anim na magagaling na manlalaro kaya nandito sila para panoorin ito kahit na practice game pa lang. Gusto nila makita ang galing ni Dite kasama ang anim.

"Hayaan mo na sila. Curious at excited lang ang mga yan sa pito. Maganda na rin ito pag-practice-san ng pito." sabi ni Kill na lumapit kay Avey.

"Not bad. Okay, since nandito na rin naman kayo ay kailangan namin ng tulong ninyo sa practice game." nakangiting sabi ni Avey.

"Magvo-volunteer ako!" napatingin silang lahat kay Julia.

"Joella, Abi, Marceline, Janine at Sora." sabi ni Avey. Natawa naman yung iba nung hindi kasali si Julia sa binanggit ni Avey.

"Bakit ako kasali?" nagtatakang tanong ni Sora. Katabi nito si Zaparta

"Baka kasi hindi sila matalo." sabi ni Avey.

"Wow huh coach Avey!" komento ni Marceline. Napangisi naman si Avey sa kanya.

"Grabe ka samin, Tita ah." sabi naman ni Abi.

"Alam ninyong lahat kapag pinagsama-sama ang pitong ito, wala kayong laban kaya nga tinawag na Dream Team itong team na 'to." sabi ni Avey.

"May dream team rin kaya kami." nakangusong sabi ni Julia. Ayaw magpatalo nito.

"Tsaka natin ilalaban ang dream team ninyo sa pitong ito." sabi ni Avey at tumingin sa pito. "Magsisimula na tayong mag-practice. Practice game agad tayo para makita natin kung nagsy-sync ba kayong pito. Mag-warm up na kayo kasama yung lima."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now