Chapter 70

17.3K 709 466
                                    


Kill's POV

Tumingin ako kay Dom na lumapit sakin. Nginitian nya ako at tumabi ng tayo.

"Kamusta naman sila Dite?" tanong ko sa kanya.

"Bukod kay Kennie at Dite, ayos naman sila." nakangiting sabi nya. "Hindi na sila ganon nagbabangayan ni Kennie, hindi katulad nung unang linggo. Hindi rin magtatagal ay mas magiging solid sila."

"Good to hear that. Hindi ko sila masyadong mabantayan dahil sa camp ng Dragon Empire kaya naman kayo ni Ashley ang inaasahan kong tutulong sa Miracle." sabi ko. Hinawakan ko sentido ko dahil kakabalik ko lang galing sa camp. Hindi pa rin masolbahan ang nangyari sa camp. Inaayos na ang nasirang camp pero hindi pa rin kami panatag.

"No worries. Kahit na nasa Meteorite ang anak ko, hindi ko naman pababayaan itong Miracle. Aba, ako ang pangalawang miyembro nito." sabi nya. Napangiti naman ako.

"Hey hey hey! Laro na tayo!" biglang dating ni Maki.

"Wala pa si Sasha." sagot ni Dom.

"Edi si Kill papalit o kaya si Zoe. Problema ba 'yon?" tinignan ko si Maki.

"Hoy, pagod si Kill. Galing pa yan sa Dragon Empire." pagsasaway naman ni Dom sa asawa.

"Sus, mukha lang matanda si Kill pero malakas yan. Ano? ang tagal na ng huling laro natin magkakasama oh." pagpupumilit ni Maki.

"Tama tama! Sumali ka na Kill. Minsan lang 'to." dagdag ni Erin na lumapit samin kasama nya si Ashley.

"Itong mga 'to talaga oh. May problemang iniisip si Kill. Wag nyong pagurin pa lalo." nag-aalalang sabi ni Dom. Palihim naman akong ngumiti.

"Minsan lang eh. Dali na." pagpupumilit pa lalo ni Maki.

"Sa labas ka matutulog mamaya ah." panakot ni Dom kaya naman tumigil si Maki na ikatawa ng dalawa.

"Alright." pagpapayag ko. Nagdiwang naman si Erin at Maki. Nag-aalalang tumingin sakin si Dom. "Hindi naman ako pagod." sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga sya. Wala rin syang magagawa dahil nakapagdesisyon na ako.

"Ayos! makakalaro natin si Tita Kill!" masayang turan ni Julia nung ibinalita naming maglalaro kami.

"Si Zoe na bahala mag-coach sa inyo sa larong ito." sabi ko sa kanila. "Practice match lang ito pero hindi ko hahayaang matalo ninyo kami." dagdag ko. Nginisian ko sila.

"Game on!" maangas na sabi ni Julia.

"Makakalaban natin ang pinakaunang henerasyon ng Miracle." narinig kong sabi ni Joella.

"Hindi magiging madali ito lalo na kasama si Tita Kill." sabi naman ni Lee.

"Hindi yan! Mananalo tayo!" napangiti ako dahil hindi man lang pinaghihinaan ng loob itong si Julia. May pinagmanahan talaga.

Tinignan ko ang apat at tinangunan sila. Patakbo kaming papunta sa side nila Kennie. Binantayan ko si Dite.

"Practice match ito pero gusto kong puro kaliwa ang gagamitin mo." sabi ko sa kanya.

"Okay." sabi nya. Hindi sya nakatingin sakin at hindi nya ako masyadong ginigitgit kaya naman palihim akong umalis sa likuran nya. Nakita ako ni Dom at ipinasa nya sakin ang bola. Napatingin sakin ang mga bata. Nakita kong palapit sakin si Kennie. Mabilis kong itinira ang bola, sinadya kong patamain ito sa board dahil mablo-block nya ito. Yumuko ako dahil tumalon si Maki sa likuran ko. Nasalo nya ang bola at nag-dunk sya.

"Boo yeah!" sabi nya.

Maglalakad na sana ako paputa sa side namin pero napansin kong nakatingin sakin si Kennie.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now