Chapter 27

15.3K 676 191
                                    


Zaparta's POV

Huminga ako ng malalim at pumikit. Inalala ko ang mga bawat galaw ni Tita Steph nitong araw na nagdaan na pagtra-training ko sa kanya. Isa lang ang klaseng training lang ang ginawa ko sa kanya dahil hangga't hindi ko nakukuha ang bola sa kanya, hindi kami uusad. Ito na ang huling araw ng training namin dahil bukas ng gabi ay uuwi na kami sa pilipinas.

Dumilat ako at tumingin kay Tita Steph na nag-aabang sakin. Pinapaikot nya sa hinlalaki nya ang bola. Tumakbo ako palapit sa kanya. Sinubukan kong hampasin ang bola pero mabilis nya itong ipinasa sa kabilang kamay nya. Mabilis kong ikinilos ang katawan ko para sabayan ang bilis ni Tita Steph. Napaatras sya at drinibble ang bola. Mabilis nyang drinibble ang bola sa pagitan ng mga hita nya. Patakbo syang sumugod sakin. Umaayos ako ng pagkabantay sa kanya. Sinusubukan ko syang pigilan at humanap ng pagkakataong kunin ang bola. Maya-maya ay umatras sya at tumalon. Hindi ko inaasahan ang gagawin nyang 'yon kaya tumalon ako para iblock ang bola pero ang tagal bago sya itira ang bola na halos pahiga na sya tsaka nya lang itinira ang bola. Nakakagulat na nagawa nya pang itira ng mataas ang bola na halos matutumba na sya sa sahig. Tumingin ako sa ring pagkababa ko sa sahig. Napanganga ako na pumasok din ang bola.

"That's Steph for you." tumingin ako kay Tita Alicia. "Uuwi na kayo pero hindi mo man lang nakuha kay Steph ang bola." napasimangot ako. Paano ko magagawa eh ang likot ni Tita Steph.

"May mas magaling pa sakin humawak ng bola na pwedeng magturo sayo sa camp, sa kanya ako nagpatulong noon." sabi ni Tita Steph.

"Sino po?" tanong ko.

"Si Ate Joey." eh? si Tita Joey? Inalala ko kung paano ba maglaro si Tita Joey. "Alam mo kasi, sa graduation ninyo makakalaban ninyo ang seniors at simula pa nung naitayo ang Dragon Empire camp ay wala pang nakakatalo na rookies sa seniors. Kahit anong galing ko noon, mas lamang ng experience ang mga seniors, isa na don si Ate Joey na magaling humawak ng bola. Hindi nya 'yon pinapakita sa mga laro sa labas pero nung nasa camp kami, sa lagay nyang masungit na 'yon, maiirita ka sa kanya dahil mararamdaman mong pinaglalaruan ka lang nya."

"Katulad ng ginagawa mo." sabi ni Tita Alicia.

"Well, masaya pala talagang makitang naiinis ang kalaban mo." nakangising sabi ni Tita Steph tapos tumingin sya sakin. "Sa tingin ko, hindi ka nya din matutulungan dahil mas support sya sa anak nyang nasa Miracle kaysa sa Dragon Empire kung saan sya naggaling."

"Sana hindi na lang ninyo sinabi yan." paghihinayang na sabi ko.

"Meron pa naman akong kilala na makakatulong sayo sa ganitong training, sa kanya naman natuto si Zoe." umangat ang tingin ko kay Tita Steph. "Talagang pagdating sa Ate mo, ang bilis ah?"

Napangiti ako. "Idol ko kasi sya. So sino po sya?" tanong ko.

"Si Kuya Kyle." sagot nya.

"Tito Kyle? kaso busy sya sa mga paper works ng Dragon Empire." sabi ko. Wala na bang iba na pwedeng makakatulong sakin sa ganong klaseng training? paano kung may makaharap akong ganon klaseng tao? wala akong laban.

"Ah hindi ko na yan problema." sabi na lang ni Tita Steph. Napaltukan tuloy sya ni Tita Alicia. "Aray ah? hindi kita ipapakilala kay Alexa, akala mo." banta ni Tita Steph.

Napangiti ako nang samaan ng tingin ni Tita Alicia si Tita Steph. So, ibigsabihin hindi pa pala sila nagkikita ni Ate Alexa.

"Anyway, Zap, kasama natin si Alicia na umuwi sa pilipinas. Since tapos na din ang NBA Season, pwede na itong magbakasyon." nakaturo nya kay Tita Alicia na sabi. "Sakto pa na PBA Season naman sa pilipinas kaya gusto nyang panoorin si Alexa at makilala." nilingon nya si Tita Alicia na may panukso sa labi.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now