Chapter 11

15.2K 618 263
                                    


Zaparta's POV

Binabantayaan ko ngayon ang mga kasamahan kong naglalaro sa pool. Mabuti na lang sama-sama kaming lahat ngayon. Nagkakasayahan ang ilan sa kanila. Halos kami na ang gumamit ng pool sa dami namin.

"Ate Zap, bakit hindi kayo maligo?" tanong ni Lulu na basang basa. Kinuha nya ang towel sa likuran ko kung saan ang mga towel nilang mga nakasabit sa railing.

"Nah. Mamaya kasi dumating yung mga lalaki at makausap na nila ang isa sa kanila. Ayokong mapahamak sila." sabi ko.

"Sweet. Pero dapat ienjoy mo din sarili mo ngayon dahil bukas balik na tayo sa bahay." sabi nya habang pinupunasan nya ang basang katawan nya.

"Nag-eenjoy naman akong panoorin ang mga kalokohan nila." nakangiting sabi ko.

"Ang sweet mo talaga." sabi nya at niyakap ako. "Sana nagmana sayo si Dite." natawa kaming parehas.

Napatingin ako sa gawi ni Kriza na paahon sa may hagdanan. Nakasuot ito na two piece red bikini. Naglakad ito papunta samin habang hinahagod ang buhok nya gamit ang mga daliri nya. Wala sa katinuan akong napalunok habang nakatingin sa kanya. Hindi naman sya nakatingin samin dahil nasa pool ang tingin nya. 

"Ate Zap, ligo lang ulit ako. Maligo ka na din." napatingin ako kay Lulu sa sinabi nya.

"Sige lang." sabi ko. Tumakbo sya papunta sa pool tsaka tumalon.  Napangiti dahil nagulat nya ang iba sa pagtalon nya.

May humarang sa harapan ko. Agad kong napansin ang dibdib nito na may kalakihan. Napaiwas agad ako ng tingin na matanto ang kulay ng bikini. Paniguradong si Kriza ito. Nanuyot ang lalamunan ko sa hindi ko alam ang dahilan. Bigla din akong nakaramdam ng init sa katawan lalo na sa mukha ko. Kailangan ko na maligo.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sakin si Kriza. Tinignan ko sya pero balikat nya ang bumungad sakin dahil ang lapit nya sakin. Naamoy ko ang tubig ng swimming pool sa kanya pero nandon pa din ang mabangong amoy nya na simula pagkabata ay ganon na ang pabango nya.

Lumayo sya sakin at namula pa ako dahil kinuha nya lang pala ang towel sa likuran ko. Pambihira! Bakit kailangan lumapit pa sya sakin kung pwede naman ipasuyo na lang o paalisin ako. Hindi yung ganon. Tila ako mahihimatay sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Tinignan ko si Kriza na nagpupunas ng buhok nya habang nakatingin sa pool. Naiinis ako sa ginawa nyang 'yon. Hindi normal ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit sya sakin. Kainis naman kasi sya, bakit kasi sinabi nya 'yon? edi ito ako ngayon, feeling ko hindi ako pamakali kapag nasa malapit lang sya. Ano ba itong nangyayari sakin?

"Arh!" gusto ko sanang matawa dahil nagulat ko si Kriza pero mabilis akong naglakad papunta sa pool. Layo layo muna sa kanya.

Nakisali ako sa kasayahan ng mga kasamahan ko. Minsan lumalayo ako sa mga taong mahilig manlunod na pasimuno ng mga seniors. Totoo ang sinasabi ni Ate Zoe sakin na sa hirap ng training na pinapagawa nila samin, hindi mapapantayan ng saya sa oras na magkasama sama na ang buong team. Masaya ako na nakasama ako ang mga taong ito dito. Mabuti na lang pala napilit nila akong sumali dito kundi, hindi ko mararanasan ang lahat ng ito.

Pagsapit ng hapon hindi na kami naligo sa dagat o pool. Nasa isang resto bar kami na nasa gilid lang ng dagat. Magandang pwesto ito dahil nakakarelax ang paligid lalo na kita ang paglubog ng araw mamaya dito. Alas cuatro pa lang kaya medyo mataas pa ang araw pero hindi naman na ito masakit sa balat.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko. Hanggang ngayon binabantayan ko pa rin sila at mabuti na lang ay hindi ko pa nakikita ang dalawang lalaki kahapon. Kumunot ang noo ko dahil may ibang nawala.

Lumapit ako kay Stace para magtanong. Kasama nya si Jacky at Lyte. Oo nga pala, hindi na natuloy ni Stace ang balak nyang pagselosan si Jacky dahil sya ang nagselos sa babaeng kakilala ni Jacky na nandito kaya naman lagi syang nakabuntot ngayon kay Jacky. Pambihira ang taong ito.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now