Chapter 79

12.9K 551 100
                                    


Zaparta's POV

Natapos na ang pangatlong laro namin. May dalawang laro na lang kami para sa semi-final. Nasa hulihan kaming dalawa ni Kriza na magkahawak ang kamay na naglalakad palabas ng arena. Pagod na ang ilan samin dahil nakadalawang laro kami ngayon araw. Tahimik at gusto ng umuwi. Sa bahay ng Dragon Empire kami tumutuloy lahat para sabay-sabay kaming makapunta at makapag-practice pa.

"Look who's here." narinig kong boses ni Marceline sa unahan. Sumilip naman ako kung ano ang nangyayari sa harapan.

Ang Shakers. Halos magkasabay lang natapos ang laban namin pati ang sa kanila.

"Pagod na pagod?" boses iyon ni Astris. Sya na ang bagong captain ng Shakers pagkatapos umulis ng captain nila para sumali sa WPBA. Nakakagulat na tinanggap nya ang role na 'yon eh mukha syang tatamad tamad. Inaasahan ko na si Eloi o Tyrant ang captain nila.

"Bukod kasi sa dalawang laro namin, may practice game pa kami bago pumunta dito kaya pagod talaga sila." sagot naman ni Marceline. "Kayo, mukhang hindi man lang kayo pinagpawisan sa laro nyo kanina."

"Pinag-practice-san lang naman namin sila." napailing ako sa pagiging mayabang ni Astris. Ganon ba kapag captain ka? ayaw mong magpatalo sa kalaban. Ganon na ganon si Kennie at Abi.

"Ano ba yan, umiinit agad kayo dyan." malakas na boses ang narinig namin. Napatingin kami sa gilid at nakita namin ang Meteorite na pumasok ng arena.

"Chill guys, may dalawa pa kayong laro bago kayo magkaharap." sabi ni Abi.

"Manalo muna kayo." nakangising sabi naman ni Veloce.

"May laro kayo ngayon?" tanong ni Tyrant.

"Wala pero papanoorin namin ang Miracle. May laro sila ngayon sa Zebra Jacks." sagot ni Sylvia.

"Zebra Jacks? hindi ba doon na-injured si Kennie?" naalalang tanong ko. Napalingon naman sila sakin.

"Tumpak kaya manonood kami para makita kung ano mangyayari sa kanila ngayon." sabi ni Brook.

"Gusto ninyo bang manood o umuwi na?" tanong ni Marceline sa buong miyembro ng Dragon Empire.

"Manood muna tayo. Tignan natin kung anong pandarayang gagawin ng Zebra Jacks." suggest ni Faith.

"Oo nga, wala naman tayong laro bukas kaya makakapagpahinga pa tayo ng konti." sabi naman ni Amaya hanggang sa pumayag na rin ang lahat.

Ganon rin ang Shakers kaya naman sabay-sabay kaming pumunta sa bleachers. Dahil sama-sama kaming tatlong team ay pinagtitinginan kami. Yung iba samin ay kumakaway sa mga fans nila.

Nag-wawarm up pa lang ang Zebra Jacks nung dumating kami tapos ang Miracle ay nakapagpalit na ng jersey nila. Mukhang tapos na silang mag-warm up. Sumigaw naman sila Samantha para mag-cheer sa Miracle kaya napatingin sa gawi namin ang Miracle. Siguradong iniisip nila na curious kaming sa laro nila.

Maraming nagtaka samin nung makita namin na sa anim na starting ng Miracle, si Dite lang ang naglaro tapos sila Melai na ang kasama nya. Iniisip ko na babawian ni Kennie ang nakapag-injured sa kanya noon pero hindi ito naglaro.

Nung mag-jump ball sila. Madali lang nakuha ni Dite ang bola dahil sa tangkad nya. Pagkapasa nya ng bola kay Gian ay ibinalik rin din sa kanya. Puwesto naman ang apat nyang kakampi. Kaharap ni Dite ang naka-injury kay Kennie.

Nag-dunk in si Dite kaya umatras ang kaharap nya tapos ay bumalik sya sa pwesto nya at nag-tres. Ang agang tres naman non. Napataas ang isang kilay ko dahil may ng 'boo' nung nag-tres si Dite tapos may mga nagsisigawan rin na sinasagot yung mga nag-boo.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now