Chapter 78

13.1K 571 260
                                    


Rigel's POV

Nagising ako sa sobrang lamig. Balot na balot na ako ng kumot pero nilalamig pa rin ako. Sumasakit rin ang katawan ko lalo na ang ibabang parte. Tsaka ko lang naalala ang nangyari kagabi.

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa katabi ko pero wala na ito. Dahan-dahan akong umupo habang hawak ang kumot. Tumingin ako sa orasan at nakita kong ala siyete pa lang ng umaga. Tumingin ako sa paligid pero wala sya sa buong kwarto. Wala na rin ang mga damit namin na kung saan pinagtatapon ni Dite kagabi.

Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganon. Bago kasi kami umalis ng lake ay sinagot ko na si Dite. Kahit naman kasi naiinis ako sa ugali nya, kung yung puso ko ay mahal na sya, hindi ko na pinatagal pa. Natuwa pa ako dahil sa sobrang gulat ni Dite non. Tila sya nag-loading dahil hindi sya nakakilos at nakatingin lang sakin. Natuloy kami sa night market pero ang tahimik nya hanggang sa pag-uwi. Tinatanong ko sya kung okay lang ba sya pero bigla nya akong sinunggaban ng halik at nauwi na nga sa ganon.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa namin non lalo na kay Dite. Seriously? pagkasagot ko sa kanya, bira agad? kapag nalaman ng iba ito ay siguradong parehas lang kami ng iniisip. Though, hindi naman mukhang hayok si Dite kagabi. Maingat sya sa bawat kilos nya. Tutol ako nung una sa gusto nyang mangyari dahil first time ko lang 'yon at hindi pa ako ready pero pinaliyab nya ang apoy kaya naman nagpaubayan na ako sa kanya. Isang beses lang namin iyon ginawa dahil na rin sa pagod namin magdamag. Gusto ko ibalik ang favor sa kanya pero naalala ko na may period sya ngayon kaya naman natulog na lang kami pagkatapos.

"Good morning." napatingin ako sa pintuan. Nakasuot na blue sky long sleeve at panjama na pumasok si Dite. "Breakfast is ready." sabi nya at nakita kong tumingin sya sa katawan kong tinatakpan ko ng kumot. Bigla naman akong kinabahan nung naglakad sya palapit sakin. Akala ko may gagawin na naman syang hindi kanais-nais pero hinalikan nya lang ako sa pisngi. "Get dress na." genuinely na naman syang ngumiti sakin.

Lumabas sya ng kwarto pagkatapos. Muli akong napahiga sa higaan sa hindi malaman ang dahilan. Ipinikit ko ang mga mata ko para mapakalma ang puso ko.

"I love you, Rigel."

Oh shit. Bakit ko ba bigla naalala yung nangyari kagabi?

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para makapagligo. Pagkatapos kong maligo ay kumuha na ako ng damit sa bag. Hindi na namin inalis sa bag ang mga damit namin dahil hindi naman kami magtatagal. Uuwi rin kami mamayang gabi.

Kinuha ko ang jacket ni Dite na may tatak ng simbolo ni Aphrodite at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko sya sa kusina at naghihintay na sya sakin sa lamesa. Tumayo sya at inusog ang kaharap na upuan nya. Medyo nakakagulat ang kinikilos ni Dite.

Umupo ako sa pinag-usog nya ng upuan at sya na rin ang nag-asikaso ng pagkain ko. Tinignan ko sya na nawe-weirduhan pero hindi nya ako tinignan man lang.

"Marunong ka rin palang maging sweet, 'no?" at to the first time, hindi ako nainis sa umagang 'to.

"Masaya lang ako." sagot nya at naupo sa kaharap ko. "Bukas hindi na." nakangising sabi nya. Na-delay lang pala ng ilang minuto ang pangbwi-bwiset nya.

May napansin ako na pagkain sa lamesa. Taho sya pero strawberry flavor. Mukhang may dumaan at bumili si Dite. Sumandok ako gamit ang kutsara ko at tinikman. Lasang-lasa ang strawberry at ang sarap pero trip ko pa rin ang classic na taho. Muli akong sumandok sa kutsara ng taho at dinala sa bibig ni Dite. Napatingin muna sya sa kutsara bago nya isinubo.

"Masyadong sweet." sabi nya at umiling-iling.

"Para naman tumagal yang pagiging sweet mo." sabi ko sa kanya. "At bumili bili ka nito tapos hindi ka kakain." isa lang naman ang binili nya pero nasa malaking baso.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now