Chapter 23

13.6K 543 127
                                    



Tyrant's POV

Ang laki ng tuwa namin dahil sa wakas, natalo na din ng Shakers ang Dragon Empire. Hindi pa man tapos ang Summer Cup ay nagcelebrate na kami dahil natalo namin ang Dragon Empire. Sobrang proud na proud ako sa lima lalo na syempre sa pinakamamahal kong Eloi na tinalo ang wall ng Dragon Empire na si Stace. Si Stace at Lyte ang pinakapanganib ng Dragon Empire kaya naman si Eloi at Samantha ang nagbantay sa kanila. Hindi namin alam ang kahinaan ng dalawa kaya ang ginawa na lang namin ay pagurin sila, hindi katulad ng ibang kateam nila na alam na alam namin kung paano sila patatahimikin lalong lalo na si Jacky. Sobrang daling patiklupin ang isang 'yon, naiinis sya sa taong sobrang dikit sa kanya at nagagawa nyang itulak ito kaya nafo-foul sya.

Kaya naman napakadali sa limang talunin ngayon ang Dragon Empire. Sa tagal ba nilang pinagplanuhan talunin ang Dragon Empire, hindi pa ba nila ito matatalo? Hindi man sila madalas magpractice pero lagi nilang pinapanood ang mga video ng Dragon Empire. Madali lang pagplanuhan ang mga galaw ng Dragon Empire dahil hindi naman sila madalas magpalit ng miyembro na hindi katulad samin na may umaalis at nadadagdagan kahit anong oras. Every other two years pa bago magkaroon ng bagong miyembro ang Dragon Empire.

"Wag masyadong magpuyat ngayon, okay? may laban tayo sa makalawa sa Miracle kaya kailangan ninyong magpahinga." sabi ni Mama.

"Okay!" sigaw naman ng buong miyembro ng Shakers.

"Tyrant, mauuna na akong umuwi." sabi ni Mama. Tumango ako sa kanya. "Kapag na lasing ka, dito ka na sa dorm matulog." kahit na wala pa akong eighteen, pinapayagan ako nila Mama na uminom ng alak.

"Okay po." nakangiting sabi ko.

Nagpaalam na si Mama sa Shakers na uuwi na sya. Tuloy lang kami sa pagcelebrate ng pagkapanalo namin. Ang iingay nila na halos ang iba sa kanila ay may tama na.

Hinanap ko si Eloi pero hindi ko sya makita. Nasaan na naman 'yon?

"Yo." tumingin ako kay Samantha na naupo sa tabi ko. Namumula na ang mukha nya.

"Lasing ka na." sabi ko sa kanya.

"Konti." sabi nya at ngumisi. Napairap ako. Lasing na talaga. "May ipapakita ako sayo." kumunot ang noo ko. Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa ng short nya. May kinalikot muna sya bago iniharap sakin ang cellphone nya.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang picture ni Eloi at Ate Kriza na magkahalikan. Kahit na alam kong hindi naman ginusto 'yon ni Ate Kriza dahil nakadilat ang mga mata nito, nasasaktan pa din ako dahil mukhang nagustuhan naman iyon ni Eloi.  Alam ko naman eh, hindi na dapat ako nagugulat sa mga ganitong scenario pero ang sakit lang. Ang sakit sa puso na makitang may kahalikan ang taong mahal ko.

Pucha naman kasi itong si Samantha, lasing na nga talaga para ipakita pa sakin ang hindi dapat na pinapakita. Mas okay na hindi ko alam na hinalikan ni Eloi si Kriza para hindi ako masaktan ng ganito eh.

Pagkatapos ipakita ni Samantha ang picture ay umalis sya. Bwisit talaga ang babaeng 'yon! iisipin ko tuloy yon hanggang sa pagtulog ko. Bwisit!

Kinuha ko ang isang bote ng alak at sinalinan ang baso ko.

"Hinay-hinay lang." tinignan ko ng masama si Janine. Napaatras sya ng bahagya. "Ano na naman?"

"Wala!" inis na sabi ko at dire-diretsong ininom ang alak na nasa baso ko.

"Anong wala? bigla-bigla ka na lang naiinis dyan." sabi nya. Umupo sya sa tabi ko. "Ano bang problema?"

"Wala nga." sinalinan ko ulit ang baso ko, iinumin ko na sana pero pinigilan ako ni Janine.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now