Chapter 8

15.9K 626 231
                                    



Zandy's POV

"Bagong manager?" patanong na sabi ko. Tinignan ko ang dalawa. Nakahalukipkip ang isa habang yung isa ay nahihiyang nakayuko.

"Yup. Si Rigel ang main manager tapos si Titania ang assistant manager nya." sabi ni Tita Zoe.

"Kailangan pa ba natin ng manager kung dalawa na ang coach?" tanong ni Joella. Ang pangatlong best weapon na sinasabi ni Tita Zoe. Anak sya ng coach ng Dragon Empire na si Tita Ella at Tita Joey. Hindi ko rin alam kung ano ang trip ni Joella at Julia para dito sila sa Miracle sumali at hindi sa Dragon Empire kung saan naggaling ang mga magulang nila.

"Yes, sila ang mag-mamanage ng score, foul at kung ano pa na dapat ginagawa ng manager. Hindi ko magawa 'yon dahil focus ako sa pag-iisip kung paano tayo mananalo." sabi ni Tita Zoe.

"Bakit dalawa?" tanong ni Julia.

"Dahil dalawa kami ni Ate Kill na coach. Ako ang naghahandle sa inyo habang si Ate Kill sa mga seniors." sagot ni Tita Zoe.

"Okay." sabi ni Julia. Napailing naman si Tita Zoe.

"Pinaparamdam ninyo sa dalawang manager ninyo na ayaw ninyo na nandito sila." sabi ni Tita Zoe.

"Hindi naman po sa ganon. Nakakapagtataka lang na kailangan pa natin ng manager." sabi ko.

"Kailangan natin ngayon." sabi ni Tita Zoe. Hindi na lang kami umangal.

Pinagmasdan ko ang dalawang babae. Isa sa kanila ang nag-confess kay Dite, si Titania tapos si Rigel ang masungit na asar na asar kay Dite. Iniisip ko tuloy na kaya sila nandito dahil kay Dite.

"Maiwan ko muna kayo. Tuloy lang ninyo ang practice. Ipapakilala ko lang ang dalawa kanila Ate Kill." tumango kami kay Tita Zoe. Umalis sila at tumungo sa katabing court kung saan naglalaro ang mga seniors at si Tita Kill na nanonood sa kanila.

"Oo nga pala, dalawang buwan na nakakalipas wala pa yung isa natin best weapon na sinasabi nila." sabi ni Julia.

"May alam ka ba kung sino ang isa natin?" tanong ni Joella sakin.

"Sa pagkakaalam ko, na-injured yung tinutukoy nila kaya hanggang ngayon wala pa din dahil nagpapagaling pa. Kasabay nila Lee naman sya makakasali sa Cup Tournament kaya okay lang na matagalan sya ng konti. Ang mahalaga ngayon ay tayong tatlo." sabi ko. "Ang Winter Cup ang huling laban ng mga ilang seniors natin, may pitong maiiwan sa mga official player ng Miracle. So next year, ang miyembro ng Miracle ay sampu lang. Kaya ngayon palang, kailangan natin makipag-team up sa pitong matitira para maging solid tayo sa kanila. Hindi purkit tayo ang best weapon ng Miracle, hindi na sila maglalaro pa. Mas nauna sila satin at mas maraming karanasan sa Cup Tournament. Kailangan natin iyon matutunan sa kanila para maging handa tayo sa tournament."

"Tama ka dyan." napatingin kami kay Tita Kill na lumapit samin. Medyo nagulat kami na magsalita sya. Hindi namin sya napansin. "Hindi man sila manalo nalo sa Shakers at Dragon Empire, masasabi kong magagaling sila. Hindi tayo mananatili sa rank three o two kundi dahil sa kanila. Masyado lang talaga malakas ang dalawang team na 'yon kaya hindi natin sila matalo. Hindi biro ang Shakers at Dragon Empire."

"Hindi ako tutol dyan. Alam na alam ko kung anong training ang pinagdadaanan sa Dragon Empire." sabi ni Joella.

"Pero hindi din biro ang training dito." sabi ni Tita Kill. Nagtataka naman kami dahil parang hindi naman ganon kahirap ang nangyayari kung iisipin. "Hindi ba kayo nagtataka kung bakit madalas wala ang mga seniors ninyo?"

"Kasi tumatakbo sila sa labas?" patanong na sagot ni Julia.

"Dahil nasa lumang gym sila nagtra-training, kung saan nagsimula ang Miracle." sabi ni Tita Kill.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now