Chapter 71

16.3K 709 288
                                    


Third Person's POV

"Bastusin na ninyo ang lahat, wag lang ang mga bestfriend ni Dite." nakangising sabi ni Sylvia habang nakasunod silang magkakaibigan kay Dite.

"Marami lang tao pero gustong sapakin ni Dite yung babaeng 'yon." nakangiting sabi ni Zandy.

"Naturingang girlfriend si Asta pero wala syang ginawa." panunukso ni Sylvia. Sinamaan naman sya ng tingin ni Asta.

"Hindi ko hahayaan na bastusin nya si Lulu. Naunahan lang ako ni Dite." sagot ni Asta.

"Pagdating sa dalawa, mabilis kumilos si Dite." sabi ni Lee. Nakatingin silang apat sa tatlong nangunguna. Pinapakalma nila Tyrant at Lulu si Dite na hindi pa rin humuhupa ang inis.

"About sa Leon Sparks, himalang nainis ka Asta." nilingon ni Sylvia ang kakambal.

"Sa laro pa lang nila Abi ay nainis na ako. Lumaki tayong naglalaro sa kalye pero hindi tayo ganong maglaro. Nirerespeto natin ang kalaban natin kahit na minsan ay inaasar mo sila pero alam mo kung kailan ka titigil." sabi ni Asta. "Sa kanila, sobra-sobra ang kayabang nila."

"Don't worry, igaganti kita." nakangiti ng malaki si Sylvia. Itinaas ni Sylvia ang cellphone nya na may naglalamang message na isa sya sa players na lalaban sa Leon Sparks.

"Hindi kailangan, isa rin ako sa maglalaro." sabi ni Asta.

"Ay akala ko pa naman mas angat na ako sayo." nakangusong sabi ni Sylvia. "Lagot sila dahil ginalit nila ang kakambal ko." nakangising sabi ni Sylvia. Napatingin naman si Zandy at Lee sa dalawa.

"May tinatago pa bang ang kambal na 'to?" isip ni Zandy.

Salita ng salita sina Tyrant at Lulu pero hindi nakikinig sa kanila si Dite. Masama ang timpla nito dahil sa pagbabastos ng Leon Sparks kay Lulu. Hindi mawala-wala ang inis ni Dite dahil hindi kilalang tao ang bumastos kay Lulu. Pinagbigyan ni Dite si Samantha nung binastos nya si Tyrant dahil kaibigan nya ito at girlfriend rin si Tyrant pero iba ang scenario kay Lulu.

"Dite!" sabay na sigaw ni Lulu at Tyrant. Napatingin ang ilan na nasa paligid sa kanila. Tumigil sa paglalakad si Dite at iniharap ang dalawa.

"Pustahan tayo, aamo na yan si Dite." bulong ni Sylvia.

"Chill ka lang pwede? lalong lalo na sa laban ninyo." sabi ni Tyrant.

"Sinasabi ko na sayo 'to na wag na wag kang mananakit sa laro ninyo." sabi ni Lulu.

Nakatingin si Dite sa dalawa at ganon rin ang dalawa na may balalang tingin.

"I can't guarantee that. Hindi ko hahayaan na bastusin nila kayo." seryosong sabi ni Dite.

Napangiti naman ang apat na nasa likuran ng dalawa. Lumapit si Zandy sa dalawa at inakbayan ito.

"Hayaan ninyo na si Dite. Tama lang yung ginawa nya dahil kung ako 'yon, hindi ko rin hahayaan na bastusin kayo." sabi ni Zandy.

"Tama, si Asta lang naman yung hinayaan ang girlfriend nya eh." pang-aasar ni Sylvia.

"Manahimik ka dyan." ngumisi lang ang kakambal nya sa kanya.

"Tara na, nagugutom na ako." pag-aaya ni Lee. Nauna ito at sumunod sa kanya si Dite.

Bumuntong hininga ang dalawa pero wala na rin silang nagawa kundi pabayaan si Dite. Hinihiling nila na walang mangyaring masama kay Dite.

Sa kabilang banda, pinapanood nila Zap ang isang dance group na sumasayaw sa gitna. Hindi na nila muna inisip ang nangyari kanina at in-enjoy na muna ang event ngayon.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now