Chapter 52

16.8K 680 342
                                    


Zaparta's POV

"Wala na sayo si Kriza." sabi nya. Napaawang ng kaonti ang bibig ko pero itinikom ko din agad. 

"Hindi naman naging sila." sabat ni Astris. Narinig kong tumawa si Sylvia kaya sinamaan ko ng tingin si Astris. Pambihira, nakisali pa.

"Mukhang kilala na ninyo ang bago naming miyembro." sabi ni Sylvia at inakbayan si Blysse. Hindi naman umangal si Blysse.

"Rookie sya ng Wyvern Empire dati." sabi ko. Tila nabigla si Sylvia sa sinabi ko kaya napatingin sya kay Blysse.

"Bakit hindi mo sinabi ang tungkol don?" tanong ni Sylvia.

"Hindi mo ba tignan ang resume ko?" balik na tanong ni Blysse.

"Mukha bang tinignan ko?" napakunot ang noo ko dahil nagbabalikan sila ng tanong. "Hindi ba sinabi ko na tinitignan ko ang isang kakayahan ng tao sa paglalaro? Anyway, hayaan na nga." inalis ni Sylvia ang pagkaakbay nya kay Blysse. "Kung ganon din pala, alam na ninyo kung gaano kagaling itong si Blysse?" ngumisi samin si Sylvia.

"Yeah. Madali na rin kung paano talunin." sabi ni Astris at ngumiti kay Sylvia. Tumalikod si Astris at naglakad palayo.

"Asta, magpinsan nga kayo." sabi ni Sylvia.

"Pinsan mo din sya." sagot lang ni Asta.

Ang kambal na 'to.

"Sige, punta na ako kanila Marceline. Let's enjoy this team building." nakangiting sabi ko sa kanila at naglakad na papunta kanila Marceline.

"Pinuntahan agad ang karibal." nakangising bati sakin ni Marceline.

"Nagulat lang ako na nandito sya pati si Drew, I mean Astris." sabi ko. Hindi ako sanay tawagin na Astris yung isa.

"Nagulat na lang din kami nung makita sya kasama ang Meteorite. Pahirap ng pahirap talunin ang Meteorite." sabi nya. Tumango ako bilang pangsang-ayon. Mahirap talaga lalo na dumagdag si Blysse. "Wait, Zap, tignan mo." sabi nya at iniharapan ako sa likuran.

Nakita ko si Blysse na naglalakad patungo sa Shakers, kay Eloi. Hindi namin marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero halos lahat nakatingin sa kanila. Kung pwede lang, may makikita kang kuryente sa pagitan ng mga mata nila dahil seryoso silang magtitigan. Nakita kong umangat ang gilid ng labi ni Eloi pero maya-maya nawala din at masamang tinignan si Blysse. Tila si Blysse ang nagwagi dahil hindi maalis ang masamang tingin ni Eloi kay Blysse habang pabalik ito sa Meteorite.

"Okay girls! Papasok na tayo sa loob!" sigaw ni Tita Torey. Dahan-dahan kaming pumasok ng eroplano sa dami namin.

Nakapasok na kaming lahat at nakaayos na din. Nagsasalita si coach Avey sa mga paalala kapag nasa eroplano. Alam ko na 'yon kaya hindi na ako masyadong nakinig. Katabi ko si Marceline tapos sa tabi nya na nasa bintana si Blythe.

"Ngayon ko na rin sasabihin kung paano ang room arrangement natin sa resort para pagdating natin don, hindi na tayo magkakagulo. Syempre, magkakasama ang mga magpapamilya kaya wala na tayong problema don. May lalapit sa inyo para ibigay ang room key ninyo. Pero sa mga players ng apat ng team ay dito tayo mag-uusap usap." sabi ni coach Avey.

"Ayos, akala ko makakasama ko sila Mama sa room." sabi ni Marceline. Napailing ako.

"Sa isang room, apat na tao ang magsha-share. Kayo rin ang bahala kung sino ang gusto ninyong makasama sa room. Dito pwedeng maghalo-halo ang mga miyembro ng apat na team. Once na nakapag-decide na kayo kung sino ang kasama ninyo sa room, lumapit kayo kay coach Silva at coach Torey para ilista at makuha ninyo ang room key. Yun lang at wag sana kayong maingay habang naghahanap ng kasama ninyo. Tandaan ninyo, kasama ninyo ang pamilya nyo. Thank you." sabi ni coach Avey.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now