Chapter 36

15.3K 705 296
                                    


Zaparta's POV

Tatlong araw simula nung natapos ang event. Hindi ako naglaro nung nakaraan at ngayon sa mga bawat laban namin dahil sa paa ko ganon din si Drew na mas malala pa sakin at pati na din yung tatlo ay hindi naglaro. Nagagawa namang manalo nila Marceline pero may pagkakataon din na natatalo sila.

Ngayon ay dinner na namin, magkasabay kami ni Drew na kukuha ng pagkain. Madaming kumukuha ngayon kaya nakapila kaming lahat.

"Ayos na ba paa mo?" tanong ko sa kanya.

"Nah." simpleng sagot nya. Tipid talaga nitong magsalita. "Baka hindi na ako maglaro."

"Huh?" gulat na tanong ko. "Sayang naman." mukhang kailangan ng isang buwan bago gumaling ng tuluyan ang paa nya. Mabuti na lang pala talaga pinigilan ko ang sarili ko kundi baka matuluyan din ako katulad sa kanya, hindi ko pa makakalaban si Kanao.

"Sayang, ikaw pa naman ang hindi ko pa nakakalaban." nagulat ako nang marinig ang boses ni Kanao sa likuran ko. Nakakagulat naman ang isang 'to.

"Pwede tayong maglaro sa Cup Tournament sa Manila." kung may iniinom lang ako ay naibuga ko na dahil sa sinabi ni Drew.

"A-anong pinagsasabi mo? hindi ka ba magsta-stay sa Mušḫuššu Empire?" tanong ko sa kanya.

"No." sagot nya na nakatingin sakin. "Nandito lang ako dahil hindi ako nakapasa sa Dragon Empire."

"Sa lagay na 'yon hindi ka nakapasa?!" gulat na sabi ko.

"I don't know." nakitbitbalikat na sabi nya. Napatingin ako sa gawi ni Stace pero hindi naman sila nakatingin samin. Pambihira, bakit hindi nila kinuha si Drew?

"Paanong nangyaring hindi ka nakapasa eh mas nauna ang try out ninyo kaysa samin?" tanong ko sa kanya.

"Dumating ako sa Mušḫuššu Empire six months simula nung nag-umpisa ang training nila." sabi nya. Mukhang katulad lang din pala sya ni Lesley na pahabol.

"Sa Manila huh." tumingin kami ni Drew kay Kanao. "Not sure." sabi ni Kanao.

"It's okay." sabi ni Drew. Napatigil ang pagkwe-kwentuhan namin nung kami na ang kukuha ng pagkain namin.

"Pero saan ka pala pupuntang team kung hindi ka pala sa Mušḫuššu Empire?" tanong ko kay Drew habang kumukuha ng pagkain at prutas.

"Shakers." napaawang ang bibig ko at tumingin sa kanya. Seryoso sya? Shakers? Kung doon sya at nandon si Eloi, hindi ko na alam.

"Bakit sa Shakers?" tanong ko. Papunta na kami ngayon sa table.

"Sabi ni Mama at gusto ko din doon." sabi nya. Naupo kaming dalawa sa napili naming table. Pang apatang taon ang table na napili namin. Hindi na kami makapwesto sa mga kasamahan namin dahil nakisali pa ang mga seniors namin tapos ayaw naman namin makisali sa ibang team na hindi naman namin close.

"Oo nga pala, sino pala ang Mama mo?" hindi ko nakilala ang Mama nya kahit na nakikita ko si Tito Astro.

"Rayna, ang dating coach ng Shakers." sa pangalawang pagkakataon kung may iniinom lang talaga ako ay nabuga ko na. Yung tinutukoy nya ay ex ni Ate Alexa. Ang alam ko fiance ni Tita Astra 'yon pero hindi sila nagkatuluyan dahil nagkagusto si Tita Astra kay Tita Silva, so si Tito Astro pa lang ang nakatuluyan ng ex ni Ate Alexa.

Napatingin ako kay Kanao na tumabi ng upo sakin. Napatingin ako sa mga kasamahan nya. Wala na din pala syang pwe-pwestuhan doon.

"Kung ganon magkakaharap pa pala ulit tayo." sabi ko kay Drew.

"Yeah." simpleng sagot nya at kumain. Napailing ako. Hirap din kausap nito eh.



Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now