Chapter 40

18K 658 249
                                    


Zaparta's POV

"Boring!" sigaw ko habang nasa loob ako ng kwarto ko dito mismo sa bahay namin. Kahapon nakauwi na kami galing Empire Island pero imbis na sa camp kami ihatid, sa mismong mga bahay nila kami hinatid. Sinabi nila na kailangan nilang mag-concentrate sa practice dahil dalawang linggo na lang ay Winter Cup na. Hanggang pagtapos pa naman ng Winter Cup bago kami bumalik ulit sa camp kaya pinapa-enjoy na nila kami sa bakasyon namin dito.

Busy din sila Ate Zoe sa pag-practice kaya naman wala akong ibang pwedeng gawin. May mga lakad sila Marceline ngayon kaya hindi ko din sila mayaya. Si Kriza may family bonding sila ng buong linggo kaya hindi ko sya makikita ng isang linggo kaya ito loner ako ngayon.

Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung may na nakaligtaan akong message o tawag pero wala. Hindi naman ako nalungkot na wala akong natanggap ng message kay Kriza bagkus ay napangiti pa ako dahil nakita ko ang picture namin ni Kriza nung huling araw namin sa Empire Island. Naka-empire suit ako habang sya ay suot ang damit na pinangsayaw nya.

Nakakagulat nga nung oras na 'yon dahil busy kaming lahat sa pagkuha ng picture hanggang sa pinilit kami ni Marceline na mag-picture ni Kriza. Syempre ang alam ko ay hindi nila alam na may gusto ako kay Kriza at hindi kami okay kaya umiiwas ako kay Kriza non pero sinabi nila Justin na alam na nilang may gusto ako kay Kriza. Nagtaka ako kung paano nila nalaman pero sinabi lang nila na halata daw ako. Hindi ko naman aakalain na halata na pala ako.

Pero hindi pa rin ako nagpatinag na magpa-picture kay Kriza na kami lang dahil nahihiya ako na ang daming nakatingin samin pero pinilit nila kami at pinagtabi pa. Nung una nahihiya ako at hindi makatingin sa camera dahil lahat sila ay nasa likuran ni Marceline na kukuha ng picture namin. Tila tuloy kami isang model na lahat sila nakatingin samin. Hindi lang isa o dalawa ang picture namin ni Kriza dahil ang dami nilang pinagawang pose samin.

Ang pinakagusto ko sa lahat ng picture na ngayon ay nasa wallpaper ko ay ang picture na magkatinginan kami ni Kriza. Fierce look kaming dalawa tapos ang isang kamay ko nasa likuran nya at ang isang kamay ni Kriza ay nasa bandang dibdib ko. At dahil mas matangkad sakin ni Kriza ay medyo nakatingala ako sa kanya.

Meron rin din kaming selfie picture ni Kriza nung magpapalit na kami ng damit pagkatapos ng party. Ilang shot din 'yon tapos may picture pa kami ng magkahalikan, meron sa pisngi, noo at labi. Wallpaper nga ni Kriza ang picture namin na magkahalikan sa labi. Nag-aalala nga ako sa makakakita non pero walang pakialam si Kriza.

"Anak?" napatigil ako sa pagtingin ng mga picture namin ni Kriza sa cellphone nung kumatok si Mama sa pintuan.

Agad akong tumayo para pagbuksan ng pintuan si Mama.

"Bakit po?" tanong ko.

"May ginagawa ka ba?" tanong nya sabay silip sa kwarto.

"Wala po. Nakakabagot nga po eh." nakangusong sabi ko. Busy kasi sila nila Papa dahil naghahanda sila ng pagkain para sa pag-uwi ko dito. Ewan ko ba sa kanila, para namang hindi nila ako nabibisita buwan-buwan. Tapos ayaw naman nila akong tumulong sa pagluto.

"Sakto! sunduin mo ang pamangkin mong si Alex sa paaralan tapos ibigay mo ito kay Aero." sabi nya sabay bigay sakin ang paper bag. Tinignan ko kung ano ang laman nito, tila sapatos ito dahil nasa box ng sapatos.

"Si Mama, hindi man lang ako tinanong kung papayag ako." nakanguso ko pa din sabi. Natawa sakin si Mama at tinapik ang balikat ko.

"Para hindi ka mabagot. Dalian mo na at kailangan ni Aero ang sapatos dahil nasira daw ang sapatos nya pero unahin mong sunduin si Alex dahil baka umiyak 'yon na sya na lang natira sa paaralan nya." sabi ni Mama. Sumunod ako sa kanya pababa ng hagdan.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now