Chapter 74

14K 649 137
                                    


Rigel's POV

Second quarter. Katulad ng inaasahan nila Sylvia, nagseryoso na nga ang Leon Sparks. Dito na namin nalaman ang totoong galing nila. Nahabol nila ang malaking lamang nila Sylvia. Hindi na rin makapuntos sila Sylvia dahil palaging nakukuha ni Olive ang bola, napipigilan ni Gel na bumalik sa paglalaro ang mga tira at sya rin ang nakakakuha ng rebound. Naging delikado ang team namin dahil don.

Hindi na nakakapagtataka na sila ang champion sa WNBA. Bawat isa sa kanila ay magagaling. May ipagyayabang nga talaga sila. Pagod na pagod na sila Sylvia kahit second quarter pa lang. Maraming lakas na silang nasayang kakahabol sa Leon Sparks. Bumalik tuloy ang pang-aangas ng Leon Sparks dahil don.

"Heh..." napatingin ako kay Dite. Sila ni Blysse ngayon ang nasa bench. Hindi pa rin sya naglalaro kahit lamang na ang kalaban. "Nakakagulat na nakangiti pa rin si Sylvia kahit na sinusupalpal na sya ni Olive."

"Ayusin mo nga yang term mo." sermon ko sa kanya. Tumingin naman ako kay Sylvia na nakahawak sa parehas nyang tuhod habang nakatingin sa harapan. Nakangiti nga rin si Sylvia. Kanina lang nakasimangot na sya.

Tumingin sa gawi namin si Sylvia tsaka ito tumayo ng maayos. "Ilabas ninyo si Blysse." pautos na sabi nya. Tumingin ako kay Tita Avey.

"Alright, Blysse, standby ka na." sabi ni Tita Avey.

Tumayo si Blysse at nagtungo sa tabi ng watcher. Pagkatapos makapuntos ng Leon Sparks ay tumawag na ng substitution si Tita Avey. Pinalitan ni Blysse si Kennie. Binigyan ko ito ng tubig at towel.

"Nakapagpahinga rin." sabi ni Kennie. Pabirong sabi nya pero ang sama ng timpla ng mukha nya. Seryoso syang nakatingin sa loob ng court. Isa si Kennie na na-shut down ng Leon Sparks. Hindi na sya makawala sa bantay ni Ira.

"Rigel, panoorin mo ang gagawin ng tatlo." utos ni Dite. Naiinis ako kapag inuutusan nya ako, mabuti na lang puro para sa team ang pinapagawa nya.

"Bakit naman?" tanong ko rito.

"Hindi ilalabas ni Sylvia si Blysse kung wala silang gagawin." sabi nya. Hindi na ako makapagpinti pa at kinurot ang pisngi nya. "What was that for?" kunot noong tanong nya.

"Sumagot ka ng maayos. Hindi yung pinipilosopo mo ako ah? Mag-uutos ka na nga lang, sasagutin mo pa ako ng pabalang." sabi ko sa kanya.

Nawala ang pakakunot ng noo nya at napatingin sa itaas pero ibinalik nya rin agad sakin.

"Noted." uumbagan ko sana sya ng suntok pero pinabayaan ko na sya. Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to. "Ayan na sila."

Mabilis kong ibinalik ang tingin sa court. Saktong sabay na tumakbo si Sylvia na nasa right wing galing at si Blysse sa left wing galing papunta kay Asta na nasa gitna. Sinusundan parehas ng dalawang Leon Sparks sina Blysse at Sylvia. Dumaan parehas sa likuran ni Asta ang dalawa. Si Ceril ay nakasunod sa likuran ni Blysse habang si Ira ay dumaan sa likod ni Jelcee.

Ipinasa ni Asta ang bola kay Blysse tapos kumilos rin ito para umalis sa pwesto nya at hinarangan naman ni Sylvia si Jelcee sa pagsunod kay Asta. Naka-focus ako kay Asta kaya hindi ko alam kung paano naipasa ni Blysse ang bola kay Asta kaya malaya itong nakapag-tres dahil walang bantay.

Tumingin ako sa itaas para tignan ang reply. Inihagis ni Blysse ang bola kay Asta kahit na patakbo ito sa right wing. Hindi ito tumingin man lang sa likuran. Hinagis nya ang bola na para alam nyang makukuha iyon ni Asta.

Parang bumaliktad ang sitwasyon dahil nakukuha ni Blysse ang bola at ilang beses nilang inulit ang ginawa nila kanina. Hindi mahabol ni Ira si Asta dahil mabilis nyang itinitira ang bola. Hindi naman maiwanan ni Ceril si Blysse dahil kung iiwanan nya ito, may pagkakataong si Blysse ang pupuntos.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now