Prologue

167K 2.7K 353
                                    

Shade Of Love

Beast

Hindi ko maintindihan ang mundo kung ba't may taong galit agad sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila.

Naiintindihan ko naman ang kanilang rason pero sapat na ba iyon para kamuhian ako nang ganito na akala mo ay wala na akong karapatang mabuhay? Lahat ng kanilang mga mata ay nasa akin ang tingin. Lahat ay pare-parehas ang tingin sa akin.

"Nandito parin pala iyan?"

"Wala talagang kahihiyan sa katawan."

"Kung ako sa kanya ay umalis nalang siya rito katulad ng pagkawala ng kanyang kapatid."

I know I am not welcome in this place anymore. Pero anong magagawa ko? Ito lang naman ang bayan na mabibilhan namin ng pagkain. Ito lang naman ang bayan na pinapasukan ko. Ito lang ang bayan na malapit sa tinitirikan ng bahay namin sa lupain.

"Pabili po ako ng kalahating kilo." Itinuro ko ang isang isdang napili para sa magiging hapunan namin mamaya.

Ngumingiti pa ang tindera habang sinisilid ang iilang isda sa isang cellophane. Maingay ang palengke dahil sa mga nagkalat na namimili rin kagaya ko pero may iilan talagang nililingon ako at nasisira agad ang ekspresyon.

"Meron ka pa bang bibilhin, hija?" tanong niya sa akin at nag-angat ng tingin. Ang kanyang labing nakakurba ay mabilis na naging linya nang makita ako.

Napansin ko kaagad ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon.

"W-Wala na po..." Ngumiti ako sa kanya at ibinigay ang dalawang daan na pera.

Mariin na ang kanyang tingin sa akin. Marahas niya pang hinablot ang pera at inis na inilapag sa aking harapan ang cellophane.

"Kung mamalasin nga naman... Sa dami daming paninda dito sa akin mo pa napiling bumili. Ang malas malas!" singhal niya na ikinalingon ng iilang tindera sa kanya.

"Nagulat nga ako at hinayaan mong bumili sa'yo!" sabi naman noong katabi niya.

"Nako mare baka bukas niyan mawalan kana ng negosyo... Alam mo pa naman ang dalang malas ng pamilya nila..."

Gusto kong ipagtanggol ang mga binibintang nila sa amin pero alam kong hindi nila ako pakikinggan. Ano bang laban ng pamilya ko sa pamilyang iyon?

At isa pa, hindi naman nila papaniwalaan ang totoo.

"Umalis kana at h'wag kanang bumalik! Mukha mo palang halatang kriminal rin!" Padabog niyang ibinigay sa akin iyong sukli. Ang iilang mga barya ay nahulog pa at gumulong na sa kung saan.

"H-Hindi naman kriminal ang aking-"

"Lumayas kana! Magdadahilan pa! Baka malugi ako lalo!" Itinulak niya na talaga ako sanhi para mabangga ko iyong iilang mga namimili rin sa aking likod.

"Ano ba!"

"S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya..." Yumuko ako sa babaeng matalim agad ang tingin sa akin. Ang aking mga mata ay sumuyod naman sa sahig, hinanap iyong iilang mga baryang gumulong sa kung saan.

Inirapan ako noong babae. Ang tindera ay nakikitsismis na roon sa mga katabi niyang nagtitinda at ako na ang topic, ang aming pamilya.

Pinulot ko agad sa isang sulok ang baryang nakita at mabilis na tumayo para makaalis na. Nitong mga nagdaang araw ay paulit ulit na ang nangyayari sa akin. Tinataboy agad ako na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ni hindi ko kilala ang iilan sa mga taong may matinding galit sa akin pero ganoon nalang ang kanilang inis sa t'wing nakikita ako.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon