Chapter 40

51.2K 1.6K 244
                                    

Pangungulila

"Kuya... Look at us. Mas pretty pa kami sa babae mo 'no?" Pagmamayabang agad ni French nang makababa at umikot pa sa harapan ng kanyang kapatid.

Marahan akong tumawa at naaaliw na tiningnan si French. Si Kuya Brennan naman ay supladong nag-angat ng tingin.

"Umikot ka pa nang umikot."

"Ayoko nga! That's nakakahilo kaya." Umirap si French sa kapatid niyang umismid pa dahil sa mga suot namin. Umiling lamang siya, di na kami masyadong tiningnan at ibinalik agad ang tingin sa kanyang cellphone.

Lumapit naman si French sa akin at inilingkis ang kamay sa aking braso.

"That's why he's still single kasi who would love him naman kung super suplado siya, 'di ba?" bulong ni French sa akin na ikinatalim agad ng tingin ni Kuya Brennan sa amin.

Ngumuso ako at dahan dahang nag-iwas ng tingin. Madadamay na naman ako sa pinaggagawa ni French.

"Dapat pag tulog na si Kuya Bren, lets make pasok pasok sa kwarto niya and then lets take him a picture habang nakanganga siya and topless while sleeping. Lets spread his ugly picture sa school para maturn-off ang mga fake fangirls niya," dagdag pa ni French habang patungo kami sa labas.

Naimagine ko agad iyon pero parang hindi naman magmumukhang katawa tawa o pangit si Kuya Brennan.

Nauna kami sa loob ng SUV. Kalaunan ay pumasok narin naman si Kuya Brennan sa front seat, at sumunod naman si Papa na nakatuxedo rin, at si Tita Brenda na nakacreamy long gown at nakabun rin ang buhok. Napakaelegante nitong tingnan at kumikinang pa ang dyamante ng kanyang suot na mga alahas.

Nilingon kami ni Papa sa likod at ngumiti agad ito ng matamis sa amin ni French.

"Oh look at these two gorgeous girls..." aniya na ikinabungisngis ni French. Ngumuso naman ako at nagpigil ng ngiti.

Napalingon narin si Tita Brenda sa akin at pinasadahan lamang ako ng tingin ng kanyang nakakaintimidate na mga mata. Lumunok ako ng laway at halos lumabas ang aking dibdib sa kaba.

"Y-You look pretty po, Tita..." sabi ko para maibsan ang kabang dumadaloy sa aking sistema.

Ngumiti siya pero hilaw iyon. "Thank you. And your dress looks pretty, too." Saka nahulog ang kanyang tingin sa aking suot at doon lang rin nag-iwas ng tingin sa akin.

Kahit iyon lang ay napangiti na ako. Umaangat pa ang mga kilay ni French sa akin at nang-aasar na naman ang pilyang ngisi. May libro rin kasi akong binabasa tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Chinese. Isa sa mga facts nila ay gustong gusto nilang pinupuri ang kanilang imahe. Para sa kanila ay puno iyon ng respeto kung naaappreciate mo ang kanilang imahe.

"Mommy is stubborn. Ayaw nalang talagang sabihin na pati ikaw," bulong pa ni French sa akin.

Tahimik ang loob ng van. Si French ay busy narin sa kanyang cellphone at panay na naman update sa kanyang social medias.

"Last year lang ang account mo pero may 3, 569 followers kana. And look, umabot sa 1K ang isang solo picture mo na nakaside view ka." Ipinakita ni French sa akin ang screen ng kanyang cellphone kung saan nakasideview nga ako habang nakahawak ang aking kamay sa likod ng aking ulo at nakatingin sa ibaba. Nakabun ang aking buhok habang ang light brown kong buhok ay natatamaan ng sinag ng araw at ang maputla kong balat ay mas lalong naging malinaw. Siya ang nagpicture niyan noong nasa isang overview kami at siya pa ang nagturo sa akin na dapat ganoon ang aking pose.

Nagulat ako roon. Di ko rin kasi hilig iyong social media kaya minsan ay si French nalang ang nagmamanage para magpost ng selfies ko and such. Minsan rin ako pero puro shots lang rin na mga magagandang bagay ang pinopost ko at hindi talaga ang mukha ko.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon