Chapter 1

83.8K 2.1K 435
                                    

Steal

Makulimlim ang langit ng umagang iyon pagkagising ko. Ang kalangitan ay parang nagluluksa sa kung ano. Malungkot iyon na kahit ang katiting na liwanag ay walang sumilip.

Pinagmasdan ko ang labas. Ber months na kaya siguro ganito na kalamig ang panahon at palagi nang umuulan. Ang langit ay palaging malungkot na akala mo ay may pinagdadaan at palaging nagdadalamhati.

"Magsuot ka ng jacket, Trace," sabi ni Kuya Bram sa akin habang inaayos ang kanyang uniporme.

"Ihahatid mo ako, Kuya?" tanong ko sa kanya nang nilingon ko ito.

Natagpuan ko siya sa harap ng mesa at hinahalo ang mainit niyang kape. Inangat niya ang tasa, ang isang kamay naman ay nasa baywang.

Umangat lamang ang dalawa niyang mga kilay. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Humalukipkip ako roon at hinalikan ang sarili kong mga brasong nakahilig roon.

Ang lamig lamig ng panahon. Ang kalangitan ay masyadong misteryoso at hindi makitaan ng liwanag. Magiging ganito ba ang buong buwan? O baka naman panandalian lamang?

"May bagyo raw kaya ganito ang klima. Masyadong malamig at palaging umuulan," si Kuya nang mapansin ang pagiging malungkot ko dahil roon.

Hindi ko alam kung ba't naaapektuhan ako sa klima. Nagiging malungkot ako pag malungkot ang langit. Para akong nakikiramay kahit hindi ko naman alam kung anong pinagluluksaan nito.

Palaging maagang umaalis si Mama sa bahay. Nauuna siya sa aming dalawa ni Kuya. Nagtitinda ito ng mga bulaklak sa bayan. Mahilig ako sa bulaklak kaya minsan pag bakante ako o walang pasok ay tinutulungan ko siya sa pagbebenta at pagtatanim.

"Kuya hindi ka ba malilate? College kana... Kaya ko namang pumasok mag-isa eh..." reklamo ko sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad na kami papuntang bayan.

"H'wag mo akong alalahanin Trace... Exercise na rin ito. 'Tsaka mamaya pang alas otso ang pasok ko," aniya at hinawakan ang aking ulo.

First year college na si Kuya habang ako naman ay Grade Ten na. Nag-aaral ako sa isang publikong paaralan at isang scholar. Si Kuya naman ay may scholarship lang rin kaya nakakapasok pa rin sa isang Unibersidad sa kabila ng pagiging kapos namin sa buhay.

Ni minsan, hindi naman ako nagrereklamo sa estado ng aming buhay. Hindi ako nagrereklamo kung ba't ipinanganak kaming ganito. Palagi kong tinatatak sa aking isipan na lahat ay nag-uumpisa sa ibaba bago ka umangat.

Wala masyadong mamahaling eskwelahan rito sa Bukidnon, at kung meron man, nasa syudad halos. Isa itong probinsya at ang iba rito ay kapos sa pera.

Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng nakatira rito ay puro mahihirap. May naiiba parin. May angat. May makapangyarihan. May mayaman...

Pagdating sa bayan ay ganoon pa rin ang paligid, ang kalangitang makulimlim. Nakikita ko na ang iilang estudyanteng may parehas na uniporme ko.

"Sige kuya... Dito na ako... Pumasok kana rin sa school," sabi ko at tumigil sa may gate.

Luminga linga sandali si Kuya. Tila may hinahanap ito kaya lumingon narin ako sa aking paligid. Kunot-noo kong ibinalik sa kanya ang aking tingin nang wala naman akong matagpuang kakilala niya.

"Mangchichix kana naman 'no?" Pang-aakusa ko sa kanya na mabilis niyang ikinatingin sa akin.

"Ako?" Natatawa niyang itinuro ang sarili.

Tumango ako, "Oo... Nanghahunting ka siguro ng chix dito? May target ka dito kaya ilang araw mo na akong hinahatid sundo dito?"

Tumawa si Kuya. Ang dimple sa kabilang pisngi ay mabilis na lumabas. May iilan pang mga babae na napatingin sa kanya lalo na't may itsura talaga ang kapatid ko.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon