Chapter 41

48K 1.6K 129
                                    

Madilim At Misteryosong Mga Mata

"Trace, hija, come here!" si Ahma nang pumasok kami ulit ni Kuya sa loob.

Nagkatinginan kami saglit ni Kuya Brennan. Tinanggal ko sa aking likod ang kanyang coat at ibinigay iyon sa kanya.

"You'll be fine. Nandiyan naman si Dad," aniya at napansin siguro sa aking mga mata ang takot.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nagtungo rin naman ako sa mesa nila. Tinapik ng dalawang beses ni Ahma ang katabing upuan at doon ako pinaupo. Ang mga mata agad ng naroroon ay napunta sa akin. Si Papa ay nasa kanang bahagi ng mesa katabi si Tita Brenda, si Tita Alliana na katabi siya, ang kanyang asawa, si Tita Melissa sa kabila, ang kanyang asawa ulit at iyong tatlo pang mag-asawa na hindi na masyadong pamilyar sa akin.

"Itong bunso mo masyadong maganda, Liam. Look at her innocent face!" si Ahma na ikingiti ko agad.

"Salamat po..." Marahan akong yumuko habang ang aking mga kamay ay nasa aking kandungan.

"Guwapo naman si Liam, saan pa ba magmamana?" sabi ni Tita Brenda at ngumisi pa.

"This girl has a bright future! Nalaman ko at matalino raw ito! French told me she's doing great in school!" si Amah at kitang kita sa mukha  ang pagmamayabang.

"Oh well, Mama... You know me..." si Papa naman na ngumisi pa at agad ikinahalakhak ng iilang mga lalake na naririto at hindi nalalayo ang edad kay Papa.

"Buti nalang at kay Liam nagmana..." si Tita Alliana at iba na ang ngisi.

Nagkasalubong pa ang aming mga mata na agad ko ring iniwas at itinuon sa mga wine glass sa harapan. Ang kamay naman ni Amah ay nasa aking likod na at nakadampi roon.

"So tell me... What course are you planning to take this coming school year?" tanong nito.

"Uhm..." Nilingon ko sandali si Papa na tumango pa sa akin at kinakausap ako sa pamamagitan ng aking mga mata na sabihin ko lang ang gusto kong sabihin.

"Gusto ko po iyong makakatulong sa pagpapatayo ko ng ano po... flowershop sa future kaya ano... gusto ko pong magbusiness ad... at finance po sana..." sagot ko na ikinakurap nito.

"Oh... So you want a flowershop?"

Tumango agad ako at ngumiti.

"She loves flowers, Mama," si Papa na ikinalingon saglit ni Amah sa kanya pero ibinalik rin naman sa akin.

"Flowershop is good huh!" si Tita Mellisa.

Tumango tango si Tita Brenda pero hindi na nagsalita habang ang mukha ni Tita Alliana ay parang lumukot.

"But isn't it too... simple? Lianna is planning to take Business Finance, too, pero ang plano niya ay isang Mall in the near future. Flowershop is just too..." Tita Alliana's voice trailed as her face wrinkled in dismay.

"Ayaw mo pa ba ng ibang kurso, hija?" tanong sa akin noong isa sa mga babae na hindi ko natandaan ang pangalan at ina noong dalawang batang nagtatakbuhan sa may bandang sofa.

"W-Wala po kasi akong maisip na iba bukod doon..." sagot ko sa mahinang boses.

"Brenda, you should guide her baka nahihirapan itong si Tracey sa kukunin niyang kurso," nag-aalalang sabi ni Amah na ikinatango naman ni Tita Brenda.

"I will, Mama. Medyo busy rin kasi kami ni Liam kaya wala na kaming gaanong panahon sa mga bata..." Hinuli ni Tita Brenda ang aking mga mata at mukhang may kahulugan na iyon.

"Maybe Tracey will make-up her mind since it's still summer. Matalino naman iyang anak ko. I'm sure she'll think what's best for her in the future," si Papa.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon