Chapter 23

39.8K 1.7K 396
                                    

Kwits

"Tama na 'yan Trace... Alam naming wala kang kasalanan!" Hinaplos haplos ni Rinka ang aking likod habang wala akong tigil sa pag-iyak.

"Si Israel ba ang nagbigay noong kwintas sa'yo? Kailan niya binigay eh wala kaming napansing kwintas na suot mo kahapon," sabi naman ni Rose sa akin.

"Iyong iba naman nating mga kaklase kung makapag-inarte akala mo alam nila ang buong estorya! Dahil lang kaibigan ni Rici si Feli ay iyon agad ang kakampihan nila!" inis na sabi ni Cecille.

"Ang sarap ngang pasabugin ng mga bibig eh," si Rinka.

Isang kahihiyan ang sumampal sa akin ngayong araw. Hati ang simpatya ng mga kaklase ko. Iyong iba ay naniniwalang napagbintangan lamang ako habang iyong iba naman ay may disgusto agad ang mga mata.

Gustuhin ko mang linisin ang pangalan ko pero wala rin akong magagawa. Natapos na. Napagbintangan na ako at inako ko na ang kasalanan na iyon. Bukas ay kailangan kong tumulong sa canteen bilang parusa ko. Isang linggo akong kailangang magsilbi roon at hindi ako pwedeng pumasok sa iba kong subject hangga't hindi natatapos ang parusa sa akin.

"Uuwi na ako..." paalam ko sa tatlo at isinuot na ang maliit kong bag.

"Gusto mo samahan ka namin, Trace?" tanong ni Rose sa akin.

Umiling ako at naglakad na paalis nang hindi sila nililingon. Ang hawak kong panyo ni Cecille ay basang basa na dahil wala akong tigil sa pag-iyak. Gusto ko lang mapag-isa ngayon ay umiyak buong gabi sa bahay.

Wala na gaanong estudyante dahil kanina pa ang uwian. May iilan pang natitira pero konti nalang at nabibilang lamang.

"Nakakahiya naman... Nasa dugo pala talaga nila..."

"Oo nga eh... Mga mukhang pera kaya pati mamahaling kwintas ni Feli ay ninakaw narin."

"Bumalik nga tayo sa daan baka tayo naman ang biktimahin niyan."

Umuwi ako at nagpasyang manatili nalang sa bahay at h'wag ng pumunta sa bayan. Maiintindihan naman siguro ni Mama... Sasabihin ko nalang marami akong projects na ginawa.

Nagpapasalamat narin ako at hindi lumitaw si Israel kanina habang pauwi ako. Anong oras narin naman kasi?

Umiyak akong muli at pinagsisihan kung ba't ko pa tinanggap ang kwintas na bigay ni Israel. Hindi naman bagay sa akin ang mamahalin. At walang naniwala na pwedeng akin iyon dahil nga...mahirap lamang kami. Halos igapang pa ang pang-araw araw para lang makausad sa susunod na araw.

Kinuha ng isang katok ang aking atensyon.
Nagtataka akong bumangon. Nakalock iyon pero kung si Mama ay may susi naman siya. Pero masyado pang maaga ah? At dumederitso rin si Kuya Bram sa kanyang trabaho. Hindi kaya sila Cecille iyan?

Lumabas ako at binuksan ang pinto nang magulat sa imahe ni Israel. Nakatayo siya at seryosong nakapamulsa. Noong magkatitigan kami, mabilis na nanlabo lalo ang mga mata ko.

Bigay niya pa naman iyon sa'yo Trace... Ano ngayon ang sasabihin mo?

"Ba't ka umiiyak?" tanong niya sa galit na boses.

Umiling ako at mabilis iyong pinunasan.

"S-Sinisipon lang a-ako..."

"But you're crying." Mas naging matigas ang kanyang boses at may diin na iyon. Ni hindi ko siya matingnan ng deritso dahil sa nakikita kong galit sa kanyang mukha.

"Wala ito... U-Umuwi kana."

Umawang ang kanyang bibig at bakas sa mukha ang pagtutol pero hindi ko na hinintay ang isasagot niya at mabilis na isinara ang pinto.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon