Chapter 52

60.7K 1.6K 337
                                    

Pasensya Na

Nagising ako dahil sa isang haplos sa aking pisngi at ang pagsuklay suklay sa aking buhok ng kung sino.

Pagkamulat ng aking mga mata, ang mukha agad ni Israel ang bumungad sa akin na nasisinagan ng araw na pumapasok dito dahil sa bukas na pinto noong veranda.
God, Israel...

"Morning..." Lumapit siya at pinatakan ako ng halik sa noo.

Ngumuso ako at tipid na ngumiti habang pinapamulahan ng pisngi.

"Uhm, good morning..." bigkas ko sa mahinang boses na ikinanguso niya rin.

Inumaga kami rito sa hotel- Oh my God! Inumaga kami!

Nanlalaki agad ang aking mukha at napabangon na. Ang tanging nipis na puting sheet na yumayakap sa akin ay nalaglag agad kaya kailangan ko pa iyong hilain para takpan muli ang aking dibdib na nalalantad.

"Si Papa! Di ako nakapagpaalam baka nag-aalala na sila!" Natataranta kong hinagilap ang aking cellphone pero naalala kong naiwan ko iyong maliit kong purse sa party. Dinala na iyon marahil ni French!

"Calm down. I already told them you're with me. Di sila mag-aalala," paliwanag ni Israel at nang nilingon ko ay nakasandal na sa headboard habang nakaunan sa likod ng ulo niya ang dalawa niyang kamay.

"Anong sabi mo?"

Umangat ang kilay niya sa akin.

"That we're getting to know each other," sagot niya sa baritonong boses.

Sumimangot ako. Getting to know ba iyong nangyari kagabi? Para niya akong inararo sa kama. Kahit ngayon... ramdam ko parin ang hapdi at sakit ng ginawa niya. Sa tindig palang ni Israel, alam mo rin namang hindi marunong magdahan dahan.

Hinila niya ako kaya nausog ako sa kanya. Nakaharap na sa kanya ang aking likod at umahon lamang siya ng bahagya para lang hawiin ang magulo kong buhok papunta sa aking harapan at hinalik-halikan na ako sa may batok.

"Di na muna kita iuuwi. Gusto pa kitang masolo..." aniya at ang kamay ay nakahawak na sa aking braso habang ang kanyang halik ay nasa aking balikat na.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Pero wala naman akong damit na maisusuot. Di naman pwedeng maggown ulit ako tapos huhubaran mo rin pala ulit ako," pagbibiro ko na ikinahalakhak niya ng marahan sa aking likuran. Ang kanyang hininga ay tumatama na sa balat ng aking balikat.

"Then just stay naked. Total tayo lang naman dito..." Gumapang na ang kamay niya sa aking beywang at niyakap ako roon.

"Huh?" Natatawa ko siyang nilingon sa aking balikat kung saan nakasandal ang kanyang baba.

"Wear nothing," ulit niya sa kalmadong boses na ikinatawa ko talaga.

"Baliw ka."

Nilingon lamang ako ni Israel at hinalikan sa aking labi.

"Don't you know that your sexy voice early in the morning is very addicting, hmm?" namamaos niyang sabi.

Ang kamay niya ay nasa gilid na ng boobs ko at humahaplos na roon. Napalunok ako pero hinayaan siyang gawin ang gusto niya.

"I wanna listen to your voice every morning..." Mariin siyang pumikit at bumuntong ng hininga.

Namula ang aking pisngi. Isang giya niya lang paharap sa aking mukha, hingod ulit ng halik ang aking labi at ang kamay niyang humahaplos sa hita ko, nang-init ako.

"Don't worry. You're still sore. I'll just...rub," ani Israel.

Ngunit sabik nga yata kaming dalawa na muli namin iyong ginawa bago tuluyang kumain.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon