Chapter 33

41.9K 1.4K 246
                                    

Trigger Warning: Harassment

Nagbago Na

Nasa loob ako ng cubicle ng girl's restroom noon nang may marinig akong pamilyar na boses sa labas.

"Nagdadalamhati parin ba si Israel, Feli?"

"Oo. Araw araw iyong pinagsasakluban ng langit at lupa. Parehas lang sila ni Tito Facundo na galit sa pamilya ng mga Quiamco. Sigurado akong gaganti sila dahil iyon ang sinabi ni Tito sa anak niyang si Israel."

"Huh? Gaganti sila? Diba may something kay Israel at Tracey noon?"

"Wala na ngayon! Ako na nga ang palaging nagcocomfort kay Israel. Ako ang palaging nasa tabi niya pag malungkot siya. Baka nga nafall na 'yon saakin!"

"Bagay rin naman kayo lalo na't matalik mong kaibigan si Rici. Kaysa doon sa Tracey na halatang gold digger!"

Nanatili ako sa loob ng cubicle at hindi muna lumabas doon habang nasa labas pa sila. Iisang building na kami lalo na't Grade Twelve na si Feli. Kung...buhay pa rin si Ate Rici... madalas na sana kaming magkita.

Wala sa sarili akong pumasok ng classroom habang iniisip iyon kaya hindi ko napansin iyong biglaang pagpatid ng aking kaklase sa akin. Nabuwal ako sa paglalakad at halos madiin ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakalagapak ko roon.

Napuno ng tawanan ang classroom habang namimilipit ako sa sakit. Nahimas ko ang aking ilong at tumayo rin naman.

"Opse... Sorry... May tao pala!" sabi noong pumatid sa akin at tumawa pa ng malutong kasama noong mga kaibigan niya.

Bumuntong ako ng hininga at dismayado itong tiningnan. Inangatan lamang ako nito ng kilay at nakangisi pa.

Tumalikod ako at ayaw nalang silang patulan nang biglang may lumagapak sa aking likod. Nahinto ako sa paglalakad at nilingon kung ano iyong binato sa akin. Isa iyong notebook na medyo makapal.

"Kung makaasta ka akala mo ba ikaw ang pinakamaganda rito?! Siguro tuwang tuwa ka na patay na ngayon si Rici para ikaw nalang ang nakakakuha ng mga atensyon ng lalake!" sigaw nito sa matinding galit.

Kumunot ang aking noo at hindi alam kung ano talaga ang pinupunto nila rito. Galit ba sila sa akin dahil sa ginawa ng kuya ko kay Ate Rici o galit rin sila sa akin dahil nakukuha ko ang atensyon ng mga lalake? Lahat nalang ba ay palalakihin nila? Lahat nalang ba ay isusumbat nila sa akin?

"Kayo lang ang nag-iisip noon at pinapalaki niyo lang," sagot ko sa marahang boses na ipinagsalubong ng kilay noong isa.

"Lalaban ata sa'yo Fey..." sabi noong kaibigan niya.

Lumapit sa akin iyong isa habang ang dalawa naman ay pumunta agad sa aking likod. Lumunok ako ng laway habang nililingon sila. Umatras ako para sana umiwas pero bigla akong tinulak noong dalawa.

Itinulak ulit ako noong nasa harap pabalik sa dalawa na itinulak ulit ako. Para akong bolang pinagpapasahan.

"Please... Ayoko ng gulo..." Nagmamakaawa kong sabi habang walang tigil nila akong tinulak tulak. Ang iilan ko namang kaklase ay nanonood lamang, walang balak umawat.

"Total gusto mo namang pinagpepyestahan ka ng mga lalake ba't di ka nalang maghubad?"

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na niyakap ang aking sarili.

"Tumigil kayo! Please! Wag!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng dalawa pero mas humihigpit lamang ang kanilang pagkakahawak sa akin.

Nanlalabo na ang aking mga mata habang umiiling iling.

"Please!" sigaw ko ng malakas na sana ay may maawa sa akin at tulungan ako kaso lahat sila ay walang pakialam sa akin.

"Ano boys? Gusto niyong makita ang katawan nito?" tanong niya sa mga lalakeng tumango naman agad.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon