Chapter 39

46.2K 1.4K 149
                                    

Fix marriage

"Anak, Trace... Balang araw ay maiintindihan mo rin si Mama kung bakit pinaalis kita rito. Gusto lang kitang protektahan sa mga Buenaventura at ayokong ipagkait ang nararapat na buhay sa'yo katulad ng ginawa ko sa kapatid mo. Nang dahil sa estado natin ay namatay ang kapatid mo dahil lamang nagmahal ito ng taong malayo ang agwat sa estado natin. Alam mo namang kapos rin tayo at hindi kita kayang pag-aralin sa kolehiyo. Mas mabuti na iyang nasa puder ka ng Papa mo dahil alam kong hindi ka naman pababayaan ni Liam. H'wag ka sanang magpaapi anak. Sapat na iyong mga pang-aaping natanggap mo rito. Kung alam mong tama ka naman, ipaglaban mo iyon. Nagmamahal, Mama..."

Sa tuwing binabasa ko ang sulat ni Mama ay naluluha parin talaga ako.

Alam ko namang iniisip niya lang ang kalagayan ko. Nalulungkot lang talaga ako dahil nagkawalay kami pero may maganda rin naman itong patutunguhan. Mag-aaral ako ng mabuti at balang araw ay babalikan ko siya roon. Hihinto na siya sa pagtatrabaho at ako naman ang bubuhay sa kanya. Ako naman ang magsisikap. Ipaparanas ko rin kay Mama ang ganitong buhay balang araw.

May kumatok sa aking kuwarto. Nilingon ko iyon at ilang sandali lamang ay bumungad na ang pinto. Ang imahe agad ni Kuya Brennan ang nakita ko.

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya ibinalik ko sa box ang sulat ni Mama saka ko ito nilapitan. Dala dala niya na naman ang kanyang skateboard at mukhang gagala rito sa kabuuan ng subdivision.

"Bakit?" tanong ko at naamoy agad ang pamilyar niyang pabango.

"Let's go skateboarding," sabi niya.

"Huh? Sa labas?"

Tumango siya na ipinagsalubong pa ng kanyang kilay. Ngumuso ako at tiningnan ang kuwarto ni French sa dulo na sarado parin saka ko ibinalik sa kanya.

"Pero..."

"Kaysa naman nagmumukmok ka rito sa loob."

"Okay..." Lumabas rin ako at isinarado ang aking kuwarto.

Nasa hagdan pa kami noong bumukas ang pinto ng kuwarto ni French at nagmamadali na itong tumakbo. Kitang kita ko ang pagtingala ni Brennan at nairita agad dahil sa inasta ng kapatid. Nagagalit talaga ito pag tumatakbo kaming dalawa ni French sa bahay.

"Where are you two going?!" sigaw ni French nang humawak siya sa railings noong itaas at dinungaw kami rito sa ibaba.

"Sa labas daw sabi ni Kuya. Skateboarding..." sagot ko kaya binuhat niya agad si Kaki na sumunod rin sa kanya.

"Sasama ako..." sabi niya at nagmamadali rin namang bumaba.

"I told you not to run upstairs, French," mariing sabi ni Brennan sa kapatid na bumungisngis lang.

"Paranoid. I'm not going to trip, 'kay!" Tinapik tapik niya pa ang balikat nito na mas ikinatalim ng tingin ni Brennan.

Naunang bumaba si Brennan kaya sinundan nalang namin ito. Lumabas rin naman kami ng bahay.

"I'm sure Daddy won't allow us to go swimming tomorrow since may gatherings ata..." sabi niya habang nakabuntot kami kay Brennan.

"Relatives?" tanong ko na ikinatango niya.

"And next week may business gatherings siya. We're always invited including you since dapat tayong makipagsocialize sa anak ng mga business partners ni Dad. I'm sure they're going to pair us at ipagkakasundo tayo for marriage." Nalaglag ang tingin niya sa balahibo ni Kaki at marahan iyong pinasadahan ng haplos habang ako naman itong nagulat.

"Huh? Marriage? Ipipair tayo? K-Kasama ako?"

Tumango siya. "It's part of the culture, Trace. Sila dapat ang nagdedecide ng pakakasalan natin kaya nga I don't have boyfriends eh... I mean pwede naman but not a serious one coz I know someday, Dad will pair me to someone na pure blood Chinese."

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon