Chapter 56

55.3K 1.3K 245
                                    

Pamilya

Naging usap-usapan nga ang pagbabalik noong vendor at pagiging tambay ulit ni Israel sa second gate. Naroon na ulit ito tuwing hapon, tuwing vacant time ko. Doon kami nakakapagquality time at ang leyong iyon ay hindi talaga maawat ang kapilyuhan.

"French let's go later sa main gate! Nandoon na ulit 'yung lalake mo."

"Oo nga French. We'll support you later."

Sandali akong nilingon ni French kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nagpanggap nalang akong nasa notes ko ang buong atensyon.

Ibinalik niya ang tingin sa dalawa.

"I can't eh. May gagawin ako later and hindi siya match sa vacant time ko," rason niya.

"Ay? But this Sunday? Are you going to party with us?"

"If Daddy will let me then sure!"

"Okay, French. We'll expect your presence ha. Dalhin mo yung crush mo." Tumawa pa iyong babae kaya tumawa rin si French.

Nagvibrate ang aking cellphone kaya natigil ako sa kakasulat at dinungaw ang screen noon. Si Israel...

Israel:
30 minutes more.

Inoorasan ata ako ng pilyong ito. 30 minutes after ay vacant time ko na at kabisadong kabisado niya rin ang schedule ko. Hiningi niya iyon noong first day of school sa hotel habang kumakain kami.

Nagtipa ako ng mensahe habang si French naman ay pasimple akong nililingon. Napapansin ko lately mas nagiging mapagmatyag siya sa'kin. Wala naman siyang sinasabi pero ramdam ko sa kanyang mga mata na gusto niyang magtanong kung si Israel ba ito.

Ako:
Pero may gagawin ako mamaya. Baka di ako makalabas.

Inilapag ko iyon at akmang magsusulat ulit nang magvibrate na naman ito. Nakita ko kaaagad sa screen ang kanyang reply.

Israel:
I want to see my fiancee.

Ngumuso ako at nakita agad ang kanyang imahe roon sa aking utak, kumakain ng fishball at hinihintay ako habang pinapalibutan ng mga babae roon na pakain kain rin.

Ako:
Gusto rin kitang makita pero marami akong gagawin. Di tayo pwedeng maghotel.

Naisend ko na iyon at napatitig pa ako sa huli kong sinabi. Seriously... Iyon nalang rin ang laman ng utak ko! Feeling ko tuloy ngumingisi na ng malademonyo ang lalakeng iyon!

Israel:
Hotel?

Sumimangot ako at di na siya nireplayan pa.

Noong pwede ng lumabas dahil tapos na ang subject ay nagseparate lang kami ni French. May next subject pa siyang papasukan habang ako naman ay kailangang dumeritso sa library.

"So sa library ka lang?" tanong niya sa akin habang lumalabas kami ng classroom.

"Oo French, ang rami kong gagawin eh..." sabi ko sa kanya.

"Sige. I need to go na to my next subject. Later nalang ulit." Ngumiti siya ng tipid sa akin kaya ngumiti narin ako pabalik.

Ngumuso ako at nagtungo rin naman sa room kung saan pwede kang magcomputer. Kailangan kong magresearch muna tapos mamaya ay sa library ako tatambay.

Kakaupo ko palang sa harap noong monitor nang nagvibrate  na ang aking cellphone at tawag na ni Israel ang naroon. Ngumuso ako at tinitigan iyon. Bumuntong ako ng hininga saka iyon sinagot.

"Israel?" tawag ko sa kanya.

"You're busy?" tanong niya.

"Oo. Marami akong activities," sabi ko habang abalang magscroll sa hinahanap kong impormasyon.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon