Chapter 62

62.1K 1.8K 200
                                    

Jealous

Iyak ako ng iyak habang pauwi na kami ni Israel at nilisan namin ang lugar na iyon. Naging tahimik sila Papa at mukhang pinoproseso parin nila sa kanilang isipan ang ginawa kong desisyon. Kahit noong dumating na kaming dalawa sa condo ay mas bumuhos lang ang aking mga luha.

"Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?" bigong tanong ni Israel at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang nakaupo ako rito sa dulo ng kama.

Ibinaba ko ang aking mga kamay at umiling. Pinunasan niya iyon habang sinisikap ko siyang tingnan kahit na nanlalabo na ang aking mga mata.

"They will accept us eventually... But for now, let's just give them space to think about it." Yumuko siya at hinagkan ang aking mata.

"Gusto kong..." Napayuko ako at hindi agad iyon natuloy.

"Anong gusto mo?" Tuluyang lumuhod si Israel para makalebel ako.

"Gusto kong bumalik sa bukid, Israel. A-Ayoko na dito..." Humikbi akong muli at bumuhos na naman ang panibagong mga luha.

"W-What? But what about your school? May exam ka pa bukas?" Hinaplos ni Israel ang aking buhok at ang isang kamay ay patuloy parin sa pagpunas ng aking mga luha.

"I-Isinuko ko na ang pagiging Chua ko. Si Papa naman a-ang nagpapaaral sa'kin..."

"I can pay for your expenses in school, Trace. Ako ang magpapaaral sa'yo," aniya.

Agad akong umiling. Ang gusto ko ngayon ay umuwi sa amin. Nababahala ako dahil baka nagsumbong narin si French kay Mama. Ayoko nalang patagalin ito at gusto kong sa aking bibig mismo manggaling ang balita.

At hindi na ako mapipigilan ni Papa na umuwi. Gusto ko nang makita ulit si Mama.

"Gusto ko nang umuwi." Natakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo.

"Ayoko na dito... G-Gusto ko ng umuwi sa bukid..." hirap kong bigkas at hinahabol ko pa ang aking hininga.

"But we can't travel right now since gabi na, Trace. Bukas nalang ng umaga-"

"Pwede..." putol ko sa kanya at nafufrustrate na naman ako dahil bakit kailangan pang ipagpabukas.

"We can't. Let's just leave tomorrow morning," aniya at hinawakan na ang aking pulso.

"Pag dito lang ako... B-Baka maisipan kong umuwi kay Papa, Israel!" sigaw ko sa frustration sa nakatakip kong mukha na ikinatahimik niya.

Ilang sandali lang ay binitiwan niya na ang aking pulso at tumayo na ito.

"I'll just pack our things." Sigurado niyang sabi kaya ibinaba ko na ang aking mga kamay at nakita ko siyang pumasok sa walk-in.

Kaya habang nag-iimpake siya ay umiyak ulit ako sa kama. Naroon lang ako, nakaupo at tinatakpan ang aking mukha. Pupuntahan ako ni Israel at hahalikan ang aking ulo saka niya ulit ipagpapatuloy ang pag-iimpake. Tatahan ako tapos iiyak na naman ulit. Minsan naiisip ko kung ano na ang iniiyak iyak ko. Tumutulo lang bigla bigla ang aking mga luha. Konting pag-iisip ko lang ay maiiyak na agad ako.

Pinagbihis ako ni Israel ng makapal na maisusuot at may scarf din na nakapalupot sa leeg ko. Kahit gloves ay pinagsuot niya ako. Kaya balot na balot ako noong umupo na sa front seat ng kanyang kotse.

"How about your school?" tanong niyang muli sa akin. "It's your finals. We'll be back by Monday so you could take the exam at least. I'll try to request a special exam for you so you won't be able to join French in a room."

Tahimik ko lamang siyang tiningnan. Sa tuwing naiisip ko si French, parang kinukurot ang dibdib ko.

"P-Pwede next year na ang last sem? Magtatrabaho muna ako para makapag-ipon ako ng sarili kong pera at pag-aaralin ko ang sarili ko," sabi ko pa habang binubuhay niya na ang kanyang kotse.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon