Chapter 55

58K 1.7K 366
                                    

Warning: R-18

Heaven

Hindi na nga kami nagkita ni Israel sa mga sumunod na araw dahil sa kanyang business trip.

Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong dinampot at napangiti na ng malapad. Pero nang mabasa ko na si Kuya Brennan pala ay napanguso rin ako.

"Kuya?" sagot ko at isinandal ang aking mga hita sa railings. Inilapag ko naman sa aking kandungan ang libro.

"Nabalitaan ko kay Mommy na gusto raw ni French na umurong ka sa kasunduan? Ano na namang inaarte arte niyan?" inis na tanong sa akin ni Kuya.

"Ayoko namang umatras eh..." sagot ko.

"Malamang... sa lagkit ng pagkatitig mo sa lalakeng iyon aatras ka pa ba?" Nanunuya niyang sabi na ikinasimangot ko.

"Grabe ka sa akin. Di iyon malagkit ha!"

Naiimagine ko tuloy ang sobrang suplado na mukha ni Kuya Brennan ngayon.

"Nag-aaway kayo ni French?"

"H-Hindi naman. Ang shallow naman kung mag-aaway kami dahil lang sa lalake, Kuya..."

"French is shallow. Posibleng awayin ka niyan dahil di masunod ang gusto niya," puno ng kasiguraduhan niyang sabi na ikinabuntong ko ng hininga.

Sana nandito si Kuya Bram. Sa kanya lang rin naman ako mas comfortable sa pag-oopen up... Sa kanya ako mas nasanay na sumandal.

Ngayon ko lang napagtanto na wala talaga akong napagsasabihan ng mga bumabagabag sa isip ko dahil wala akong kaibigan katulad nila Rinka.

"Do you want to... say something?" tanong niya at mukhang nahimigan ang pagiging tahimik ko.

Bumuntong ako ng hininga at ramdam ang bigat sa aking balikat. Na kahit siguro ilang ulit akong bumuntong ng mahabang hininga ay di ko parin iyon maaalis.

"Natatakot akong sabihin sa kanya lahat ng totoo dahil ayokong mag-away kami, Kuya. Napamahal na si French sa'kin... D-Di ko naman alam na magkakaganito pala. Naduwag ako noong umpisa at ngayon ay naduduwag parin ako dahil ayoko siyang magalit sa'kin," malungkot kong sabi at tiningnan ang langit na hindi gaanong masakit ang sikat ng araw sa mata.

"Buong buhay mo ay pinagbigyan mo ang mga tao na nakapaligid sa'yo, Trace. I know how kind you are. Ngayon na masaya ka naman sa pinasukan mo, unahin mo na ang sarili mo. Nagpaubaya kana kaya tama na 'yon. Learn to fight for your happiness, lil sis..."

Parang nalusaw ang aking puso na kung nasa harap ko lang si Kuya Brennan ay niyakap ko na ito.

"Thank you, Kuya... I love you..."

"Okay," tanging sagot niya at pinatayan ako ng tawag. Aray naman. Iyong I love you ko di natumbasan.

Inilapag ko ang cellphone at ibinalik ang pagbabasa. Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong sinagot at inilagay agad sa aking tainga.

"Nakokonsensya ka at mag a I love you too, ka 'no?!" Pang-aaasar ko kaagad kay Kuya habang natatawa.

"What the fuck, Tracey? That's why I can't call you huh..." Ang supladong boses ni Israel ang pumaibabaw sa kabilang linya na ikinalaki ng aking mga mata.

Gosh, Trace! Namali ka!

Tiningnan ko ulit ang screen at tama nga ako dahil international call iyon. Oh my God! Lagot ako!

"A-Ah... Si ano 'yon..." Hilaw akong natawa at ramdam ang kalabog ng puso kong lalabas na ata sa aking dibdib.

Naibaba ko na ang aking mga paa sa railings at napaupo nang maayos.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon