Chapter 42

48.2K 1.5K 185
                                    

Fishy

Ang kumakain ng mga street food sa tapat ng aming eskwelahan at pinagkakaguluhan ng mga estudyante roon ay walang iba kundi si Israel!

Hindi ako pwedeng magkamali! Kahit bagong gupit na ang kanyang buhok at hindi na iyong nakatali, siya parin iyon!

My knees trembled as I walked away. Kahit tinatawag ako ni French at bumalik doon ay sinikap kong ilayo ang aking sarili. B-Ba't siya nandito? At sa lahat ng kakainan niyang mga street food ay sa tapat pa ng eskwelahan ko!

"Trace, wait! Why did you left ba?" Inis na humabol si French sa akin.

Nadatnan niya ako at mabilis na humarang sa aking harapan.

"Uhm, may kailangan pa kasi akong iresearch, French," alibi ko na ikinabusangot niya at nakahalukipkip na.

"What? Later nalang 'yan. Let's eat some dirty food. Tara!" Hinila niya ang aking pulso kaya mabilis ko agad iyong binawi.

Nagulat siya roon at nilingon ako.

"Di ka naman mahilig sa ganoong mga pagkain 'di ba? Madudumi 'yon, French." Pagpapaalala ko para magbago ang kanyang isip at h'wag ng pumunta roon.

"I know! But I'm willing to eat dirty food just to see that guy closely! Ang guwapo guwapo niya kahit malayo pa and I'm sure mas guwapo iyon pag malapit ka sa kanya. Isugod mo nalang ako sa hospital right after pag na food poison ako." Bumungisngis pa siya.

Isang pilit na ngiti ang aking naibigay.

"Sorry French pero mas mahalaga talaga ang subjects ko eh. Kailangan ko talagang magresearch..." tanging sagot ko na ikinabuntong niya ng hininga at nakanguso na.

At isa pa, third year na kami. Isang taon na lang at gagraduate na. Ayoko namang...ma-distract sa pag-aaral dahil lang may biglang sumulpot.

"Sige ha pero next time samahan mo ako doon."

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Baka naman naisipan niya lang na kumain noong oras na iyon 'di ba? Baka bukas ay wala na siya roon. Oo nga. Hindi niya naman siguro ako namukhaan kanina...

Kaso ang mga pinag-iisip ko ay gumuho rin nang halos isang buwan na siyang tambay roon at pakain kain parin ng street food sa labas! Nang dahil sa kanya ay nagkakainteres narin ang mga mayayamang estudyanteng kumain doon para lang malapitan ito. Pero may parte rin sa kanila ang natatakot dahil kakaiba raw ang kanyang mga mata.

May mga sumubok na kumain daw doon pero di daw namamansin. Masyadong suplado at pakain kain lang talaga ng mga street food. Ang tangi lang daw noong kinakausap ay iyong lalakeng vendor pero ang mga babaeng nagtatangka siyang kausapin, dedma na daw.

Si Israel nga iyon... Suplado talaga siya at cold! Hindi ako makapaniwalang nandito lang siya para kumain kain tuwing hapon na akala mo ay suki na noon kaya pabalik balik na.

"Hindi ka parin free ngayon para kumain tayo ng dirty food?" tanong sa akin ni French nang mamataan niya ako sa vacant time ko.

Umiling ako. "Marami akong gagawin eh..."

"I hate you na talaga! Kahit minutes lang naman! Why are you like this ba?" Inis niyang pinadyak ang isa niyang paa.

"Next time nalang, French. Or pwede kang magpasama roon sa circle of friends mo," sabi ko sa kanya.

"But I want you! Last month pa kita niyayaya!"

Ngumuso ako. Actually wala naman talaga akong research ngayon at wala na akong gagawin kaso nirarason ko nalang ito para di niya ako mayaya roon sa 1st gate.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon