Chapter 10

46.8K 1.5K 125
                                    

Busy

Paggising ko, ang masiglang si Kuya Bram agad ang bumungad sa akin. Naghahanda pa ito ng agahan sa lamesa at tapos ng maligo. Sumisipol sipol pa habang kinukusot ang kanyang basang buhok.

Napansin niya ako kaya lumingon agad siya at matamis na ang ngiti.

"Morning!" bati niya sa masiglang boses.

Ngumuso ako. Okay? Ang saya saya niya... Dahil ba ito sa pasulat ni Ate Rici sa kanya?

"Maligo kana at kumain pagkatapos. Ihahatid kita sa eskwelahan," sabi niya habang naglalagay ng plato roon.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang aking tuwalya. Si Kuya naman ay nagpatuloy sa pagsisipol. Mukhang maaga naring umalis si Mama dahil hindi ko na ito napansin sa bahay.

Kahit noong hinatid niya na ako sa eskwelahan ay hindi sumisipol pa rin si Kuya. Nakapamulsa ito at nasa harapan lamang ang tingin. Minsan ay ngingisi at kakagatin ang pang-ibabang labi.

"Mamayang hapon... Baka kung saan saan na naman kayo gumala noong tatlo mong kaibigan. Pumunta ka agad sa bayan Trace... Tulungan mo si Mama," sabi niya sa akin na ikinatango ko.

"Sige Kuya..." Nilingon ko ang loob ng eskwelahan saka siya muling tiningnan. Gumagala rin ang kanyang tingin at mukhang may hinahanap.

"Pasok na ako, Kuya. Mag-ingat ka," sabi ko sa kanya sanhi para ibalik niya ang tingin sa akin.

"Teka, may ibibigay ako." May hinalungkat siya sa kanyang bag at ibinigay sa aking ang isang yellow paper.

"Pabigay ako kay Rici, Trace..." sabi niya, ang mga mata ay kumikislap na.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakaukit na pangalan ni Ate Rici. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo na't inartehan niya pa iyon ng kung ano ano.

"H'wag mong buksan. Ibigay mo agad," sabi niya pa.

Tumango ako at ipinasok na iyon sa aking bag.

"Di ko alam ganyan ka pala kasweet, Kuya." Tumawa ako sa kanya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nailing na.

Sakto namang may bumusina kaya napalingon agad kami roon. Ang pamilyar na kotse iyon nila Israel. Titig na titig ang aking kapatid roon na kahit ako ay hindi narin maalis ang aking mga mata roon. Nandiyan rin ba siya? Hinatid niya ba?

Bumukas nga iyon at lumabas ang malungkot na mukha ni Ate Rici. Napansin kong mugto ang kanyang mga mata pero mapapansin mo paring sinisikap niyang magmukhang maayos.

Napunta sa aming dako ang kanyang tingin at kitang kita ko ang pagsasalubong ng kanilang mga mata ni Kuya. Napansin ko rin kung paano kinuyom ng aking kapatid ang kanyang kamao at nagpipigil na.

Nag-iwas rin naman agad ito ng tingin sa kanya nang lumabas rin ang isa niyang kapatid. Yumuko siya lalo na't nilapitan na ito ni Israel.

Narinig ko ang pagbuntong ng hininga ni Kuya.

"Ibibigay ko ito mamaya sa kanya Kuya para sumaya siya," sabi ko.

"Sige, Trace... Salamat. Pumasok kana." He smiled at me weakly.

Tumango ako at hinalikan ito sa pisngi.

Nasa kalagitnaan na ako nang makarinig ako ng iilang singhap sa mga estudyante at may kung anong pinag-uusapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang imahe ni Israel. He's sporting his usual look with a black leather jacket that makes him look like a dangerous man who's not good for good girls like me.

Kinabahan ako nang mapagtanto kong masyado na siyang malapit sa akin. Nag-isip agad ako ng pwede kong sabihin sa kanya kung huminto man ito sa aking harapan pero nadismaya rin ako nang magpatuloy ito sa paglalakad at nilagpasan lamang ako.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon