Chapter 38

45.4K 1.5K 230
                                    

Imposible Nang Balikan

Sa isang iglap ay biglang guminhawa ang aking buhay. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-adjust. Nasanay ako sa simple at payak na pamumuhay pero bigla atang bumaliktad ang mundo at masyado ng marangya ang pumalit.

Nalulula ako palagi sa malaking bahay na 3storey pa at ang itaas ay may rooftop. Ang sabi sa akin ng mga katulong ay doon daw madalas ang tambayan ni Brennan pag may mga inimbitahan itong barkada niya.

Sa likod ng kanilang bahay ay ang malapad na pool area at ang sabi rin ni Manang Asing sa akin, si French daw ang madalas magdala ng bisita roon lalo na't marami itong circle of friends na puro raw elite.

Suplado si Brennan at medyo nahahawig nga kay Kuya Bram dahil narin nagmana ito kay Papa. Matangkad ito at hanggang balikat lamang ako sa kanya. Misteso siya at dalawang taon lamang ang agwat sa akin.

Si French naman ay lamang ng pitong buwan sa akin. Mistisa rin si French, natural na katangian ng isang pure blood na intsik at semi long ang bagsak niyang buhok. May mga side bangs siya at mahilig ngumiti ng pilya. Palagi niyang bitbit iyong alaga niyang aso na si Kaki. Madaldal ito dahil madalas niya rin akong tinanong ng kahit ano.

"So you're tagabukid like Kuya Bram?" tanong niya sa akin nang puntahan niya ako sa aking kuwarto at nadatnang nagbabasa ng libro.

Unang araw ko palang at hindi ako masyadong lumalabas dala narin ng hiya. Pinupuntahan niya lang naman ako para kausapin ako.

Tumango ako sa kanya. Medyo di pa ako sanay sa way niya ng pananalita. Parehas sila ni Ate Rici na hinahalo ang tagalog ang engles pero si French ay maarte lang talaga ang pagkakabigkas hindi kagaya kay Ate Rici na smooth.

"So kaya pala you look like ignorante..." Ngumiwi pa siya sa akin habang nakaupo sa dulo ng aking kama suot ang isang puting A-line strap dress at nakahigh ponytail na naman ang kanyang buhok.

"Uhm... Oo ganoon na nga." Nililingon ko lang siya paminsan minsan habang nakaupo ako sa sofa.

Bumungisngis siya roon. Ang kanyang alaga namang si Kaki ay tumatakbo na sa aking kama at nilalaro ang aking unan na ikinatuwa ko narin.

"Dapat nagpractice ka to be like me. But don't worry I already told Dad na sasamahan kita pag nag buy ka ng mga clothes and shoes mo. I'll help you!" Ngumisi pa siya sa akin.

Mukhang suplada si French o Franchesca tingnan pero mabait naman ang pakikitungo nito sa akin.

Kamukhang kamukha niya ang kanyang Mommy na kinakatakutan ko sa bahay na ito dahil narin sa pagiging intimidating niya at hindi madalas ngumiti. Doon ata nagmana si Brennan habang si French naman ay mana sa aking ama na masayahin.

Hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakita ko si Tita Brenda. Umaga iyon at iyon ang kauna-unahang beses na makakasabay ko silang lahat sa malaking hapag.

"You went home late so you didn't meet her last night... She's the one I'm talking to you. Si Tracey..." sabi pa ni Papa sa pormal niyang boses sa umaga.

Hindi ko alam kung anong sasabihin dala narin ng takot sa kanyang malalim na tingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit at marahang yumuko.

"M-Magandang umaga po..."

Hindi siya sumagot at inalis agad ang tingin sa akin. Nilingon pa ako ni French kaya hilaw nalang na ngiti ang naibigay ko sa kanya.

"Use this one ha if you're not familiar with the spoon..." bulong niya pa sa akin saka niya itinuro ang nasa gitnang kutsara.

Ngumiti ako sa kanya saka pasimpleng ibinalik ang tingin kay Tita Brenda na nagbago na ata ang timpla habang nag-uusap sila ni Papa at mukhang topic ata si Kuya Bram.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon