Chapter 64

65.7K 1.8K 447
                                    

Beginning

Umagang-umaga, takang taka si Mama kung anong nangyari sa suot ko lalo na't wala sa sarili akong lumabas at nasira pala ang zipper sa likod! Mabilis akong nagbihis at muli siyang sinaluhan sa pagkain lalo na't sa dami ng niluto niya kahapon, iyon ang ininit niya ngayon.

"Iyong driver mo... umalis na?" tanong ni Mama na ikinatango ko.

"Opo..."

"Anong oras kanang pumasok sa bahay kagabi? Saan ka nagpahangin?" Nagtatakang tanong ni Mama na ikinabagal ng aking pagsubo.

"U-Uh... Sa likod po ng bahay..."

"Sa likod?" Nabitiwan ni Mama ang kanyang kubyertos.

Tumango ako at mas lalo lang kinabahan dahil sa naging reaksyon niya.

"Paanong sa likod eh marami ng damo roon? Medyo magubat na dahil wala narin iyong mga bulaklak," aniya na ikinagulat ko.

Wala ng mga bulaklak sa likod?! Dapat pala sinabi ko nalang sa harap ng bahay!

"I mean hindi naman sa likod mismo, Ma... Gumala lang ako sa paligid ng bahay, M-Ma..." Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at sumubo.

May sasabihin pa sana ito nang tumunog ang busina sa labas na nagpatalon sa akin sa gulat.
Nandito na ulit si Israel. Uminom ako ng tubig para ikalma ang sarili kahit ramdam ko ang pananabik. Si Mama naman ay sumubo pero nililingon parin ako.

"Matanong nga kita..." Naging seryoso ang boses ni Mama kaya napatingin narin ako sa kanya ng buo.

"May relasyon ba kayo ng driver mo?" takang taka niyang tanong at gumuhit na ang pandidiri sa kanyang mukha.

"P-Po?!" Nagulat ako. I mean... Si Israel naman ang tinutukoy niya pero nakakagulat parin.

"Bakit niya kailangang tumambay sa labas ng bahay? At narinig ko ang kotse niya kagabi... Doon lang siya umalis noong pumasok na siya sa kuwarto. Malakas ang kutob ko... May relasyon kayo," si Mama na tila siguradong sigurado siya.

"Hindi naman sa nilalait ko ang taste mo sa lalake pero driver talaga, Trace? Edi sana dito ka nalang sa Bukidnon naghanap ng lalake eh marami namang driver din diyan!"

Tagarito rin naman iyon, mama...

"Mama..." tawag ko na ikinatingin niya sa akin.

"Ano? Sasabihin mo sa aking mahal na mahal mo at hindi importante ang estado sa buhay?" matabang niyang sabi kaya tumango ako ng marahan.

Uminom ulit siya ng tubig at naging seryoso na ang mukha.

"Sige, papasukin mo rito at kakausapin ko. Baka gago iyan at lolokohin ka. Ipakilala mo sa akin..." aniya.

Iginala ko ang tingin. Baka kasi pag nakita niya si Israel...isa-isahin niya ang mga kutsilyo namin at iyon ang itatapon sa kanya.

"Sige na. Papasukin mo. Hindi ako magagalit. Kikilalanin ko lang..." sabi niya sa kalmadong boses.

Hindi ka magagalit kasi di mo naman alam na si Israel...

Tumango ako kay Mama at tumayo na para puntahan si Israel. Agad kong sinabi sa kanya na gusto siyang makausap ni mama.

"Magagalit siya, Israel... Sigurado ako roon. Galit parin siya sa pamilya niyo..."

Binasa niya ang pang-ibabang labi at pinatay ang kanyang kotse. Kinuha niya ang susi roon saka niya ibinulsa at isinara ang pinto.

"I'll talk to her," aniya at inilagay ang kamay sa aking baywang.

Kung ano man ang magiging desisyon ni Mama rerespetuhin ko, tatanggapin ko. Haharapin ko ang kanyang galit. Kasama ko si Israel... Handa akong tanggapin ang lahat ng galit na itatapon niya sa akin.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon