Chapter 25

46.1K 1.7K 431
                                    

Balang Araw

Nakisabay akong lumabas ng paaralan sa tatlo. Maingay na naman sila at may ibang topic habang okyupado naman ng kung ano ang aking isipan.

"Uy si Israel iyon diba!" May itinuro si Rinka na nagpahinto sa akin paglalakad. Kahit may kalayuan pa kami sa gate ay malinaw ko ng nakita ang imahe niya roon.

Nakasandal ito sa nakabukas na gate habang nakapamulsa. May isang stick ng sigarilyo naman itong pinaglalaruan sa kanyang bibig pero walang sindi habang ang isang paa ay nakatukod sa gate.

"Tara Trace! Hinihintay ka niyan siguro!" Hinawakan ni Rose ang aking pulso at handa na akong kaladkarin kaya mabilis ko iyong binawi.

Ang nagdidiwang nilang mga mukha ay unti-unting naglaho dahil sa aking reaksyon.

"May kukunin pa pala ako sa classroom. Mauna nalang kayo." Mabilis na akong tumalikod at hindi na pinakinggan ang pagtawag nila sa akin.

Nagtatakbo akong dumeritso sa kabilang gate at doon ako dumaan. Buo parin ang aking isip na layuan nalang ito. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? Lahat ng iyon... totoo ba?

Sinipa ko ang mga pinag-iisip ko paalis doon at binuksan ang gate na nakakonekta palabas. Kaso sa kasamaang palad ay nakalock na nga ata iyon dahil hindi naman ito ang ginagamit tuwing uwian at iyong main gate talaga.

Ilang beses ko iyong kinalampag. Kabisado ko si Israel... Maghihintay lamang siya roon o baka pag nainip ay pumasok narin dito.

Iyon ang nagpataranta sa akin. Naghanap ako ng pwedeng pambukas noon pero alam kong bigo ko iyong magagawa. Ang tanging nasa gilid lamang nito ay ang isang puno. Tiningala ko pa iyon at naisip na pwede akong umakyat doon at tumalon nalang pababa. But isn't that too risky, Trace... Paano kung sumabit ka bigla sa matulis na bagay noong gate?

Mariin akong napapikit at pumakawala ng mahabang buntong na hininga. Pwede namang dito muna ako pansamantala at lalabas nalang ako pag wala na siya roon diba?

Naalala ko bigla ang tatlo na naghihintay doon. Hindi kaya ay naisipan na naman nilang magsumbong kay Israel? Sige na Trace... Umakyat ka nalang.

Iyon na nga ang ginawa ko. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib habang sinisikap kong umakyat sa malaking puno.

Sinikap kong iangat ang aking sarili kahit hirap na hirap na ako. Noong nagtangka ulit akong umangat pa ay hindi ko na makayanan dahil sa parang mabigat na bagay na humihila sa akin. Bumaba ang aking tingin para makita iyon pero ganoon nalang ang pagkagulat ko nang iniipit na pala ang aking palda ng kaninong itim na boots. Inapakan iyon sa may katawan ng puno.

Dahan dahan kong nalingon ang lalaking nasa aking likuran. Nakapamulsa habang nakaangat ang isang binti at nakatukod nga roon sa aking palda, iniipit iyon.

"This is not the main gate and it's even lock. Are you avoiding me?" Umangat na agad ang kanyang kilay at nagbabanta pa ang kanyang tingin.

Lumunok ako at umiling.

"M-Mas madaling daanan dito..." sagot ko habang parang kwala parin sa puno ng kahoy.

"Sa posisyon mo ngayon? Oo nga... Ang dali..." sarkastiko niyang sabi na ikinanguso ko.

Inalis niya rin naman ang kanyang paa roon at tumayo ng tuwid saka walang kahirap hirap akong inalis doon sa puno. Kinarga niya ako na parang bago kaming kasal at ibinaba rin naman. Napasimangot na agad ako.

"Uuwi na ako..." Agaran kong hakbang palayo.

Tumakbo pa ako at nagbabakasakaling nakasunod ito sa aking likuran. Noong pakiramdam ko ay malayo na ang natakbo ko at nasa may gate narin ako ay nilingon ko ito. Ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga nang matagpuan ko siyang naglalakad sa aking likuran.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon