Chapter 53

55.6K 1.6K 160
                                    

Warning: R-18

Tali

Ilang oras na nanatili si French sa aking kuwarto hanggang doon din siya nakatulog nang mahimbing. Siguro dala na rin ng kakaiyak niya buong araw at sa pagod.

Ayoko na sanang tumawag kay Israel dahil parang nag-guilty ako kay French pero naalala kong nangako pala ako sa kanya.

"What took you long?" tanong niya sa husky na boses.

"Si French kasi... Pinakalma ko muna..." sagot ko at napisil ang pang-ibabang labi.

"That brat? Want me to tell her everything?"

"H'wag Israel!" Agap ko agad at nalingon ko pa si French dahil baka magising ito. "H'wag muna ngayon... Baka mas lumala lang ang pagwawala niya. Sa susunod nalang siguro..."

Bumuntong siya ng hininga na kahit sa aking isipan ay nakikita ko siyang binabasa na ang pang-ibaba niyang labi.

"Okay. But if she did something to you... I can't promise I'll stay quiet, Trace. Baka kahit sa harapan niya ay angkinin kita. Hahalikan kita at ipapamukha ko na baliw na baliw ako sa'yo..." he whispered sensually.

Hindi ko alam kung paano ito aayusin nang hindi nagagalit sa akin si French. Lalo na't pakiramdam ko, pag nalaman niya, baka...itakwil niya ako.

Natahimik siya saglit, kalaunan, bumuntonghininga.

"Can I just come over? Let me kiss you right now..." he said on a strained voice.

"Bukas nalang Israel. Bibigyan kita ng halik," sabi ko at pasimpleng nilingon si French. Hinawi ko ang kanyang buhok at isinabit iyon sa gilid.

"Bigyan mo ako ng anak. Mas gusto ko 'yun."

"Huh? But I'm still studying Israel. Di pa pwede." Tumawa akong muli.

Bumuntong ulit siya ng hininga. Di ko alam na ganito pala siya kausap sa cellphone. Ang boses... ang pilyong mga salita niya... Ang paghinga niya at masyadong nakakaakit sa akin.

"Israel?" tawag ko nang hindi na siya sumagot.

"Hmm?"

Ngumuso ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Thinking about you..."

Ngumiti agad ako. Di naman napaghahalataang baliw na baliw ka sa akin 'no?

"If you're just here with me... I'm going to kiss you all night. I'm going to kiss every inches of your skin," he said deeply.

Tumindig ang aking balahibo at kinilabutan na ako. Naiimagine ko siya... Hinahalikan ang buo kong katawan at walang pinapalampas ang kanyang dila. God, Israel! Binabaliw mo ako!

My toes curled as I gulped. Nakakapanghina talaga ang lalakeng ito...

"Baliw," bulong ko nalang at pilit kinakalma ang sarili.

Tumawa ito sa kabilang linya. Nanunuya ang tawang iyon na ikinasimangot ko talaga.

"Anong nakakatawa?"

"Are you thinking about it?" he asked, taunting.

Namula agad ang aking pisngi.

"Ikaw lang naman ang hibang sa ganoon," depensa ko agad.

"You are, too."

"Hindi ah! Ikaw lang..." Pulang pula ko ng sabi.

Tumawa siya na ikinanguso ko. Totoo naman! At nadadamay lang ako! Kasi... Ano... Gusto ko rin naman pero nakakahiyang mag-initiate.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon