Chapter 30

44.3K 1.2K 202
                                    

Trigger Warning: Mention of suicide

Kriminal

Noong narinig kong dumating na si Kuya ng madaling araw na iyon ay pasimple ko itong sinilip sa loob ng aking kwarto. Umuwi ulit itong lasing saka siya umupo sa dekahoy na upuan. Hinawakan niya ang kanyang ulo at napayuko roon, tila nagdadasal.

Napakurap ako nang mapansin ang pumapatak galing sa kanyang mukha at ang pagtaas baba ng kanyang balikat. U-Umiiyak ba si Kuya?

Narinig ko itong suminghot at ang paghilamos niya sa kanyang mukha habang nakatingala. Doon ko napatunayang umiiyak nga ito.

Pero bakit? Anong problema? Pumanhik rin naman ito sa kuwarto kaya buong gabi ay iyon ang bumabagabag sa akin. Anong nangyari?

Noong pagkagising ko ay wala na ulit si Kuya. Umalis ba siya agad? Di siya nagluto? Palagi pa naman sana akong iniiwan ng pagkain noon.

Nagdesisyon akong magluto nalang pero habang nilalagay ko pa ang kawali sa stove ay may kumatok na agad sa pinto.

"Bram!"

Boses iyon ni Ate Rici kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pinto para buksan iyon. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko ang namumugtong mga mata ni Ate Rici na kahit ngayon ay tumutulo ang luha roon.

"R-Race... Ang K-Kuya mo..." Hirap na ang kanyang pagsasalita habang dinudungaw na ang loob.

"Wala si Kuya rito, Ate. Pumunta siya-"

"Pinagtatakpan mo ba ang kapatid mo, Trace?! Niloloko niyo ba akong dalawa?!" putol niya sa akin na ikinatalon ko sa gulat.

Umiling ako. "H-Hindi ko po talaga a-alam. W-Wala po akong alam..." takot kong sagot sa kanya dahil narin sa biglaan niyang pagsiklab.

Humagulhol ito sa aking harapan habang kagat kagat ang pang-ibabang labi at hawak ang buhok malapit sa kanyang noo.

"A-Ang Kuya mo... Nakipaghiwalay siya sa akin, Trace! At may naririnig akong may iba raw itong babaeng dinidiskartehan sa bayan!"

Nalaglag ang aking panga. S-Si Kuya... N-Nakipaghiwalay siya kay Ate Rici? Baka naman parte lang iyon ng mga paninira nila sa aking Kuya! Baka ginagawan lang nila ng tsismis si Kuya!

"G-Ginagago ba ako ng kapatid mo, Trace?! B-Binigay ko ang lahat s-sa kanya... Minahal ko s-siya higit pa sa sarili ko p-pero gaganituhin niya ako? Sana pinatay niya nalang ako!" Napaupo siya sa sahig at mas umiyak doon.

Nanlabo agad ang aking mga mata. Yumuko ako at tinulungang makatayo si Ate Rici pero ayaw niyang tumayo. Tinatakpan niya ang dalawa niyang mukha habang umiiyak doon.

"B-Baka hindi totoo na may b-babae siya Ate. Kilala ko si Kuya... H-Hindi siya ganoon." Tumulo narin ang aking luha at mabilis ko iyong pinunasan.

"Iyon rin ang pagkakakilala ko s-sa kanya p-pero noong dumating ako... Noong n-nagkaharap ulit k-kami... Parang hindi ko na siya kilala... Bumabalik siya sa dati niyang u-ugali... A-Ang suplado niya na sa akin a-at tinataboy pa ako..." sagot ni Ate Rici sa gitna ng kanyang hikbi.

Gusto kong sigawan si Kuya Bram at gusto ko siyang pangaralan. Kaya noong gabi ay hinintay ko itong dumating. Kaso sa kakahintay ko ay nakatulog rin ako. Noong paggising ko ay wala na naman ito at si Ate Rici na naman ang bumungad sa akin, nagbabasakaling nandito siya pero kasama niya na ng oras na iyon si Feli. Ang disgusto niyang mga mata ay sumuyod sa aming bahay at bakas doon ang pangdidiri. Umalis rin naman sila at hindi nagtagal dahil hinihila narin siya paalis ni Feli.

Maaga akong natulog para maaga akong magising at madatnan siya. Alas syete palang ay gising na ako at mabilis akong lumabas ng aking kuwarto.

"Oh? Ang aga aga mo naman atang nagising?" tanong sa akin ni Mama at naghahanda ng umalis ng bahay.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon