Chapter 31

41.1K 1.2K 127
                                    

Malas

It was a painful day for everyone. Napapansin ko, lahat ng mga estudyanteng naroon ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ni Ate Rici. Mabait kasi ito at hinahangaan ng lahat. Kahit ako... Kahit ilang buwan lamang kaming nagsama ay sobrang bigat na ng aking loob.

"Ano ba kasing nangyari kay Bram at Rici, Trace? Anong sinasabi nilang may ibang babae si Bram?" Naguguluhang tanong ni Rinka sa akin nang mapadpad kami sa ibang parte ng eskwelahan.

Nakaupo ako sa bench habang pinupunasan ang mga luha kong wala rin namang tigil sa pagpatak.

Umiling ako. "H-Hindi ko alam kung totoo iyon eh wala namang s-sinasabi sa akin si Kuya Bram..." Tumataas baba ang aking balikat dahil sa mararahas kong pag-iyak.

Hinimas ni Rose ang aking likuran para patahanin ako habang ang kamay naman ni Cecille ay patuloy sa pagsuklay sa aking buhok.

"Hindi naman siguro ganoon si Bram, Trace..." malungkot na sabi sa akin ni Rose.

"Pero kahit hindi iyon ginawa ni Bram, siya parin ang masisisi. Siya ang pagbubuntunan ng galit ng mga Buenaventura. Alam naman natin ang ugali ng mga pamilyang iyon..." Dismayadong si Cecille.

Mas lalo akong naiyak. Wala namang kasalanan si Kuya at bakit nila pagbibintangang kriminal ito eh sigurado akong hindi rin ito ginusto ni Kuya. Sa lahat ng tao rito, alam kong mas nagluluksa siya. Malaking sampal ito sa kanya. Magsisisi iyon dahil sa pananaboy niya kay Ate Rici. Kung ano man ang kanyang rason kaya niya ito hiniwalayan, hindi ko alam kung sapat na ba iyon para bigla niya itong bitawan.

Tumayo rin naman ako noong kaya ko na. Namumugto ang aking mga mata habang pumupunta kaming apat sa Registrars Office para magpa enroll na.

Ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ng mga estudyante. Makikita sa kanilang mga mata ang inaalagaang galit doon na hindi na humuhupa. Wala na rito ang grupo ni Feli pero sigurado akong lahat sila ay pinapaniwalaan si Feli.

"Dapat talaga magkaklase parin tayo. Hindi pwedeng mahiwalay tayo sa isa't isa lalo na't pinag-iinitan ka ng lahat," mungkahi ni Rinka nang mapansin rin ang tingin sa akin.

Tahimik akong pumila. Napapagitnaan ako ni Rose at ni Cecille. Mahaba ang pila at puro estudyante ang nandito para magpaenroll. May iilan na pumapaibabaw ang boses dahil sa pagt-tsismisan.

"Baka malasin din tayo. Sana hindi natin 'yan maging kaklase. Ang kapal naman ng mukha. Wala talagang konsensya."

"Sinabi mo pa! Di na talaga nahiya at hindi nalang rin sumama sa pagtakas ng kuya niya!"

"Ang amo amo ng mukha pero demonyita pala. Nasa loob ang kulo!"

"Buti nalang at tinigilan na siya ni Israel. Siguro narealize nun na pera lang naman ang habol niyan."

Nilunok ko lahat ng mga narinig ko. Nagpanggap akong walang naririnig pero ang aking mga mata ay tinatraydor ako.

Kuya Bram... Kung nasaan ka man... Magpakatatag ka dahil magpapakatatag rin ako. H'wag kang mag-alala sa amin ni Mama at alalahanin mo ang sarili mo. H'wag ka nalang bumalik dito kung iyan ang tanging paraan mapabuti ka lang. Balang araw ay mabibigay rin natin sa ating sarili ang nararapat na hustisya.

"Kung makapag-usap ang mga ito ang lalakas. Hoy groupings ba iyan at pinaparinig niyo sa amin?! Pwedeng makisali? Pakihinaan mga boses niyo ha! Ang galing galing niyong manira eh akala niyo naman perpekto kayo!" sigaw ni Rinka sa grupo ng mga babaeng pinag-uusapan ako.

Hinawakan ko agad ang braso nito at inilingan para h'wag nalang patulan ang mga ito.

"Ba't niyo ba iyan pinagtatanggol? Ang malas malas ng pamilya nila! Kaya siguro ganyan silang magkapatid dahil mana sa kabit nilang Nanay! Tingnan mo ang kapatid niyang lalake, di rin nakontento kay Rici at iyang si Tracey sigurado akong ganyan rin ang ugali niyan!"

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon