Chapter 28

43K 1.4K 310
                                    

Abot Langit

Inangat ko muli ang aking mga kamay para kunin iyon paalis sa aking mga mata.

"I said do-"

Hindi ako nagpapigil at kinuha talaga iyon. Kinusot ko pa ang aking mga mata at ilang beses kumurap kurap dahil medyo malayo pa ang aking tingin. Nakikita ko naman ang pagura niya sa aking harapan.

Nailing si Israel at kagat na ang pang-ibabang labi. His usual attire almost made me gasp.

Ngumuso ako at hindi alam kung ngingiti ba o ano. Mag-iisang buwan narin kaming hindi nagkakausap. Hindi ko alam na magiging ganito ako kasabik sa kanyang presensya.

"Ilang bulaklak ang natanggap mo ngayong araw?" tanong niya pagkatapos ng katahimikan.

"Uhm..." Nailagay ko ang hintuturo kong kamay sa aking baba habang tumitingala at binibilang iyon sa aking isipan.

Umangat ang kanyang kilay at tila nang-iinsulto na ang kanyang mga mata kaya napanguso agad ako.

"L-Lima ata?" Pagsisinungaling ko.

"Lima? Lima lang ang mabubugbog ko?" Suplado niyang sagot.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ang kanyang mukha ay binabalot pa ng inis.

"Oo lima lang..." Hindi ko na nagawang itago ang ngisi at lumabas na talaga.

Nailing siya.

"Ikaw itong may mga lalake at ako ang pinagbibintangan may babae. And then you're laughing... You think it's funny?" Hinawakan niya ang aking baba habang umaangat ang kanyang kilay. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa aking labi pero aakyat agad sa aking mga mata habang nagkakasalubong na ang kilay.

Pinagdiinan ko sa isa't isa ang aking mga labi. Bahagya akong umiling at nakahawak na sa aking mga tuhod ang aking palad.

Hinaplos haplos ni Israel ang aking baba na tila may binubura roon habang malalim na ang titig sa akin. Balak na naman ata akong ligawin ng mga matang iyon sa kanya.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at bumaba ang tingin sa aking dibdib.

"Where's my necklace?"

Hinawakan ko ang aking leeg at hinaplos iyon.

"Uhm... Hindi ko isinuot baka ano..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin.

"You didn't lost it?"

Umiling agad ako.

"Hindi 'no! Tinago ko."

Tumango naman siya at binasa ang pang-ibabang labi. Ang kanyang kamay na nasa aking tuhod ay pumunta sa gitna at bahagyang itinulak iyon palayo sa isa pa. Ipinarte niya iyon na ikinalunok ko.

"Throw those flowers." Biglang nagbago ang boses na iyon.

"Bakit naman? Sayang..." agap ko.

"Just throw it."

"Hindi pwede." Sinimangutan ko na ito.

"Tss. Itatapon mo o iyong mga nagbigay sa'yo ang itatapon ko?" Panghahamon niya.

Nasira agad ang aking ekspresyon. Ang sama rin talaga minsan ng ugali nito.

Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa kung saan.May kung anong kinuha si Israel hanggang sa magulat nalang ako nang makita ang bulaklak na binili niya sa amin. Hindi ko napigilang kagatin ang aking pang-ibabang labi pero tumakas parin doon ang ngiti.

Nakarating siya sa aking harapan saka niya iyon inilahad sa akin. Natatawa akong kinuha iyon.

"Akala ko..." Nalusaw agad ako nang tinitigan ko ang bulaklak na dinasal ko na sana ay malanta nalang.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon