Chapter 17

43.5K 1.3K 241
                                    

Nabighani

"Di ka pa natutulog?" tanong ni Kuya nang lumabas ako para uminom ng tubig at nadatnan niya ako.

"Uh... Nagising ako kasi nauuhaw ako, Kuya," sagot ko nalang at ipinakita sa kanya ang kinuha kong baso.

Nilagyan ko iyon ng tubig. Nilingon ko si Kuya na umuupo na sa dekahoy naming upuan habang hinuhubad ang suot niyang sapatos. Ibig sabihin... Alas dos na ng madaling araw? Ganoon ako katagal nagmumi-muni sa nangyari sa lupain nila Israel.

Imbes inumin ang tubig ay inilapag ko iyon sa harap niya.

"Kuya... Heto."

Umupo siya ng maayos at nginitian ako.

"May practice ulit kayo bukas?" tanong niya na ikinatango ko naman agad.

"Opo... Uhm... Sa lupain nila Rudy..." paliwanag ko at hindi agad makatingin sa mga mata niyang naninimbang.

"Sasama ako," sagot niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Huh? Bakit naman, Kuya?" Nagulat ako roon.

"Oh? Practice iyan 'di ba? Edi sasama ako. Manonood ako," simple niyang sagot.

"Oo nga pero... Hindi ba pupunta si Ate Rici rito bukas?"

Umawang ang kanyang labi para sana sumagot agad pero natikom rin. Natigilan siya ng ilang sigundo. Ibig sabihin pupunta si Ate Rici rito bukas? Papayagan ulit siya? Sinasabi niya ba kay Israel na dito ang kanyang destinasyon? Dahil kung sinabi niya sigurado akong hindi siya papayagan.

"Hindi kami makakapractice nang maayos pag nandoon ka Kuya... Crush na crush ka pa noong tatlo. Baka sa'yo lang sila magconcentrate." Sumimangot ako sa kanya na ikinaangat agad ng kanyang kilay.

"Nagdadahilan ka lang ata para hindi ako makasama. Siguro..." Naninimbang na ang kanyang mga mata sa akin. Umiling agad ako kahit na wala pa naman siyang sinasabi.

"Wala akong boyfriend ah! At wala akong kalandian!" depensa ko agad sa aking sarili at umiling iling pa.

Nagkasalubong naman agad ang kanyang kilay.

"May sinabi ba akong ganyan?"

Ngumuso ako. "Wala pero halatang doon papunta ang tinutukoy mo..."

"At guilty ka kaya dinidepensahan mo agad ang sarili mo."

"Hindi nga Kuya! At sino naman ang magugustuhan ko rito?"

"Si Israel," walang paligoy ligoy niyang sagot na ikinalunok ko. Na iyon lang ang lalakeng nandito kaya siya agad ang nasabi niyang pangalan.

"H-Huh? Eh mayaman iyon 'tsaka imposible akong mapansin noon, Kuya," mapakla akong natawa.

Sandaling napadpad ang kanyang tingin sa ibang bahagi. Ako naman itong lumunok ulit at hindi mapakali ang aking mga mata.

"Paano kung lumapit lapit iyon sa'yo? Paano kung landiin ka? Bibigay ka agad dahil lang guwapo ito at mayaman ganoon ba, Trace?" Umangat agad ang kanyang kilay sa akin.

Umiling ako. "H-Hindi ah! At imposible iyon-"

"Kunwari lang... Paano kung mangyari iyon?" putol niya naman sa akin na akala mo ay siguradong sigurado.

Ngumuso ako at napisil ang aking pang-ibabang labi. Mas lumukot lamang ang kanyang ekspresyon dahil sa aking pag-iisip.

"Imposible iyon-"

"Paano kung posible nga?" putol niya naman.

"Oo... Posibleng lumapit lapit siya pero imposible naman siguradong magkagusto siya sa akin 'di ba?"

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon