Chapter 4

45.9K 1.4K 231
                                    

Forbidden

Marahas ang kanyang pagkakababa sa kabayo na kahit ang tubig ay tumalsik na nang umapak ang suot niyang boots doon. Ito na naman... Nacorner na naman ako at hindi ko alam kung makakatakas pa bang muli.

Yumuko siya para makalebel ang ang aking mukha. Nag-iwas agad ako ng tingin lalo na't nakabukaka na naman ito sa aking harapan.

"Are you a fucking stalker?" marahas niyang pagkakasabi.

Umiling agad ako.

"Then why are you here... peeping on me again?"

"Naliligo lang kami! Hindi naman namin alam na may tao pala at..."

Umangat agad ang kanyang kilay. "This is your second time peeping. Isn't it too obvious? Gusto mo ako?" Malalim niya akong tinitigan.

Namula ang aking pisngi. Hindi ko iyon masagot. Alam ko naman ang posisyon ko. Alam ko na wala namang patutunguhan ang lihim na nararamdaman ko sa kanya. I know he doesn't like me... He even mocked my brother... Iyon palang alam kong talo na agad ako pag ipaglalaban ko ito.

Hinawakan niya ang aking baba at iginiya paangat hanggang magkatinginan. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"You're a damn stalker. You like me," tila ba pinal na iyon. "Why? You think you could have your way on me just like your brother, hmm?"

Masama ang ugali niya. At feeling pa. Pero totoo namang gusto ko siya. Kaso hindi naman ako nandito para sa kanya!

"Israel?" tawag ng kung sino sa likod sanhi para mabitiwan niya ang aking baba. Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay ang kumpol ng buhok na nalaglag paatras saka siya tumayo.

"Iyan ba iyong nahuli mong naninilip?" tanong nito at mukhang lumalapit na.

Hinila niya ang tali ng kabayo paalis sa aking harapan. Yumuko naman ako.

"Let's go back. It's not important," sabi niya habang naglalakad na pabalik hila hila iyong kabayo.

"Ipasampal mo nga iyan saakin! Disturbo!" galit na sigaw noong babae.

"Let's just go," pigil nito.

Bumuntong ako ng hininga at tumayo na ng tuluyan. Basa na ang aking suot na short. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas dala ang mabigat kong pakiramdam.

Maybe this is really our fate. Magkakasalubong lang pero hindi niya ako magugustuhan. Magkakabanggaan lang pero hindi magkakatuluyan. Malayong malayo naman ako sa mga babaeng nakikita kong kasama niya.

I accepted it wholly. May mga bagay naman talagang hindi mo nakukuha dahil hindi naman talaga iyon para sa'yo. May mga nararamdaman na hindi nasusuklian dahil hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

"Tracy!" tawang tawa sila Rinka nang makalabas ako roon at makita ako.

Hawak na ni Rose ang aking maliit na bag. Ang kanilang mga mata ay nasa suot ko na na basang basa.

Nagsiuwian na lamang kami nang mapagtantong sakop yata ni Israel ang buong batis at gusto iyong solohin. Nasa pinto pa lamang ako, napansin ko agad na may kasama ni Kuya Bram sa loob.

Suot ang puting dress, nakahalfponytail ang buhok nito at hindi matanggal tanggal ang matamis na ngiti sa labi. Kumurap ako at natigil sa may pinto nang makita siyang nakaupo roon sa harap ng aming lamesa.

Lumitaw rin naman si Kuya at may dala pa itong kaldero. Inilapag niya iyon, kagat kagat ang pang-ibabang labi at kumikislap ang mga mata. Napadpad ang kanyang tingin sa akin saka siya napakurap.

"Oh? Maaga ka?" tanong niya saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa.

Lumingon si Ate Rici sa akin, suot pa ang ngiti. Noong pinagbintangan ni Israel ang kapatid ko, hindi ko alam na may ganito pala silang ugnayang dalawa. Akala ko...parehas lamang sa akin na tahimik na sumusulyap. Pero mukhang iba ang kay Kuya.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon