Chapter 50

55.4K 2K 762
                                    

Checkmate

"Dumating na ang mga gowns niyo, girls. Come and check it," si Tita Brenda iyon sa umaga ng Linggo.

Mabilis naman kaming bumaba ni French para makita iyong susuotin namin this coming Tuesday.

"Oh gosh! Ang pretty Mommy!" Gulat na gulat na sabi ni French nang makababa na kami ng tuluyan.

"Look at yours, Trace," sabi ni Tita Brenda sa akin kaya inangat ko rin iyong nakaplastic na gown.

Kuminang agad ang aking mga mata sa kulay at desinyo noong akin. Tube part iyon at sa ibaba ay lace nalang. Kulay nude ito at sa dibdib ay parang may mga beads at ang desinyo sa may parteng dibdib ay mga bulaklak. Masyadong maganda at masyado iyong elegante.

"Anyway, mommy. Naimbitahan ko na iyong guy na ipapakilala ko sa inyo. He's coming!" Nayakap ni French ang kanyang gown at umikot ikot na sa sala.

Ngumuso ako at kinabahan agad habang si Tita Brenda naman ay nailing.

Inimbitahan niya talaga si Israel... A-At sa araw pa na ipapakilala ako roon sa magiging fiance ko? Hindi kaya ay sinadya ng lalakeng iyon na lapit-lapitan si French para makapasok siya sa party? Para magkaroon siya ng imbitasyon? God... Kung tama man itong pinag-iisip ko, pakiramdam ko ay malaking gulo ito mamaya.

Kung ganoon nga ang binabalak ni Israel, kailangan ko siyang pigilan! Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob ko. Israel is up to something... At kung ano man iyon, alam kong hindi iyon magandang ideya. Ginamit niya ba si French para makapasok sa buhay ko?

Kaya noong dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat, umaga palang ay hindi na ako mapakali. Imbes magmukhang blooming, naistress ako sa pinag-iisip ko! Ayokong biguin si Papa at si Tita Brenda.

Inayusan din naman kami noong make-up artist at hair stylist. Kumpara sa aming dalawa ni French, makikita kong mas excited siya.

"I'm sure pag nakita niya ako, malalaglag ang panga non!" Bumungisngis si French habang pababa kami sa enggrandeng hagdan.

Mga bandang 6PM na noong dumating kami sa five star hotel kung saan gaganapin iyong party.

"Don't go anywhere, Trace," sabi sa akin ni Papa nang makapasok na kami sa mismong hall.

Tumango ako sa amang nakatuxedo at may suot na glasses. Sa gilid niya naman ay si Tita Brenda na naninimbang ang mga mata sa akin at masyadong elegante sa kumikinang niyang long silver gown.

"We'll call you later," si Tita Brenda.

"We're not going anywhere. Chill kayo." Tumawa pa si French at iginala rin ang mga mata.

"Behave girls." Huling habilin ni Papa bago niya tuluyang iginiya si Tita Brenda sa mga kakilala nila.

"What time kaya iyon dadating?" Out of nowhere na tanong ni French at napadpad na sa matatamis na desserts.

Pinasadahan niya lang iyon ng tingin pero wala naman siyang kinukuha ni isa. Noong may dumaan na waiter at may dalang wines ay iyon ang kinuha namin ni French.

"Your mother in law is here na, Trace! Ayun oh!" Itinuro niya ang babaeng masyadong maganda at elegante sa suot na champagne gown. Naka high ponytail ang buhok noon at mapapansin talaga ang singkit niyang mga mata.

Napalunok ako lalo na't ang kanyang destinasyon ay patungo na sa kinaroroonan nila Papa.

Kahit malamig ang loob at napakarelaxing noong tumutugtog na pianist, para namang may tambol sa aking loob at hindi na makalma. Hindi magsink-in sa aking utak na ngayon na ako ipapakilala.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon