Chapter 44

48.6K 1.6K 330
                                    

Promise

Pag-uwi namin, tama nga ang aking hinala na galit si Papa. Nakaabang silang dalawa ni Tita Brenda pagkapasok namin sa sala. Si French naman ay nailing nalang habang si Kuya Brennan ay nilalaro pa sa kanyang kamay iyong susing hawak.

"Papa sorry... Lumabas lang talaga ako saglit at nakalimutan kong tingnan ang cellphone ko." Yumuko ako habang nilalaro ang aking mga kamay.

"Ilang taon kana ba sa syudad Trace? Dapat ay nagpapaalam ka," si Tita Brenda na may galit ang boses.

"Sorry po, Tita..."

"Next time, sweetie, magpaalam ka sa mga kapatid mo. You made us all worried... Akala namin kung napano kana," si Papa naman.

Mas lalo lamang akong napayuko.

"French, ikaw ang mas nakakatanda sa inyo ni Tracey. Dapat di mo siya iniiwan," si Papa.

"What?! Kuya is older than me, Dad! Siya ang first nang-iwan sa loob! Nagpoof nalang siya bigla!" Bintang agad ni French kay Kuya Brennan na ngayon ay nakaangat na ng kilay.

"Oh? Akala ko ba ayaw mong pakialaman ko kayo?"

"But you're older so it's your duty na bantayan kami," pambabaliktad ni French.

Nailing lang si Kuya Brennan at nabasa ang pang-ibabang labi. Si Tita Brenda naman ay nahimas pa ang noo. Si Papa naman ay frustrated rin.

"No more night outs from now on. Dahil sa kalokohan niyong tatlo, kamuntik ng may mapahamak. You're 1month grounded from partying. Naiintindihan niyo?" Pagbibitaw ng salita ni Papa na ikinalaglag ng panga ni French.

"But Dad!" angal ni French at nakakuyom na ang mga kamay.

"Liam... Isn't it too much? Si Tracey nalang ang parusahan mo, h'wag mo ng isali ang dalawa," si Tita Brenda naman at nilingon pa ako saglit.

"Ako nalang po, Papa..." malungkot kong sabi dahil alam ko rin kung gaano kaexcited si French sa araw na ito.

"May kasalanan kaming tatlo, Ma. Masyadong naignorante si Tracey, nacarried away naman si French at naging pabaya ako. Tatanggapin namin ang parusa," sabi ni Kuya.

Grabe naman iyong naignorante Kuya Brennan! Di ba pwedeng may kausap lang ako sa labas?

"What? No!" si French naman.

Tumayo na si Papa sa pagkakaupo sa sofa at nakaroba pa. Mukhang handa na ata silang matulog kung hindi lang talaga may natanggap na tawag kay French.

"Enough. You're all grounded. Now, go to your rooms." Isa isa kaming sinenyasan ni Papa na umalis na sa kanyang harapan.

Nauna naman agad si Kuya na umakyat habang pinapaikot parin ang kanyang susi sa kanyang daliri. Si French naman ay nagawa pang tumakbo at inis na inis parin dahil binangga pa si Kuya Brennan sa may hagdan. Naiwan ako sa harapan nila Papa.

"Sorry po ulit Papa... Tita Brenda," yumuko ako ng marahan habang binabalot ng lungkot ang aking mukha.

"H'wag mo na sana itong ulitin, Tracey," mariin akong tiningnan ni Tita Brenda na ikinatango ko ng marahan.

"Umakyat kana at magbihis. May pasok pa bukas..." si Papa naman.

Halata ang pagtatampo ni French sa akin at di ako pinapansin.

"I didn't know na nandoon pala siya sa Club Echelon that time oh my gosh?!" Narinig ko ang boses ni French sa may sofa nang bumaba ako ng bahay sa linggong iyon.

Nakahiga siya roon at may kausap sa cellphone habang si Kaki naman ay nasa kanyang tiyan, nakahiga rin doon.

"I really think he's up to something!" Pinaypayan ni French ang sarili niyang mukha.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon