Chapter 63

63.7K 1.6K 167
                                    

Warning: R-18

Taste

"Dito nalang siguro ako, Israel," sabi ko habang ang aking mga mata ay tinitingnan na ang daan patungong palengke.

Naging mabagal ang kanyang pagpapatakbo kaya kinalas ko na ang aking seatbelt.

"Why here? I'm going to drive you home," aniya nang nilingon ko ito.

"H'wag na. Mga ganitong oras nandiyan si Mama eh... Nagbebenta siya ng bulaklak," sagot ko.

Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Nagiging malalim iyon at parang pinaparating sa akin na ayaw niya akong umalis. Ngumuso na ako at napangiti.

"Break muna tayo," pagbibiro ko na ikinasalubong ng kanyang kilay.

"The fuck are you saying?" Kinalas niya rin ang kanyang seatbelt at iritado na ang mukha.

"I mean, maghiwalay muna tayo. Bukas nalang ulit..."

"Sasama ako," sigurado niyang sabi.

"Hindi nga pwede, Israel!"

"But why not? Isn't it more convenient if I talk to your mother?" Umangat ang kanyang kilay sa akin.

Sumimangot ako. Nakikita ko agad sa aking utak ang ekspresyon ni Mama pag nakita si Israel. Sigurado akong magliliparan ang mga kaldero, kawali, plato o kung ano ano pang pwedeng itapon ni Mama sa kanya.

"Please?" he insisted.

"Ba't mo naman gustong sumama sa bahay?"

"To be with you," kibit balikat niya at iyon lang ang rason.

Tumawa ako at nailing kagat kagat ang balikat.

"Bukas nalang ng umaga, Israel... Baka mabigla si Mama... At baka bigla nalang siyang magalit saakin eh di ko pa nga siya nakakamusta."

Napabuntong siya ng hininga at tumango ng marahan.

"Sige... Bukas ko nalang kakausapin si Mama," aniya.

"Anong? Mama?" Mas natawa ako.

Ngumuso siya at pinigilan ang kanyang ngisi.

"Mama ko narin 'yon. Since I'm going to marry you... Your mom will be my Mom too," nangingislap ang mga mata niyang sabi.

Natawa ako na ikinaguhit na talaga ng ngisi sa kanyang mukha.

"Tatanungin ko siya bukas... 'Ma, ilan ang gusto mong apo?'" bigkas niya roon sa baritonong boses.

Nalaglag ang aking panga at nanlalaki ang aking mga mata. Tumawa naman si Israel.

"Mababato ka talaga ni Mama!"

"Kung ikaw ang ibabato niya sige lang... sasaluin naman kita..." Umabante siya at pilyo na ang ngisi. "I'll gladly catch you..." hanggang sa tumama na ang kanyang hininga sa aking labi dahil sa sobrang lapit.

"Di tayo magkikita ng isang araw..." sabi ko pa sa kanya.

"And?" he drawled while staring at me with an evil smirk.

"At... Baka... Mamiss mo ang halik ko?" sabi ko na ikinahalakhak niya agad.

Ang kanyang hininga ay tumama na sa aking pisngi kaya lalo akong tumitig sa labi niya.

"Look who's addicted to my kisses?" Nanunuya ang kanyang boses at gumapang na ang kamay sa aking baywang.

Itinagilid ko ang aking ulo at muling hinagod ang aking labi sa kanyang labi. Humawak siya sa gilid ng leeg ko at mas hinalikan ako sa malalim na paraan.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon