Chapter 45

50.2K 1.3K 180
                                    

Teritoryo

"Israel lalabas na ako," sabi ko sa kanya.

Umayos siya sa pagkakaupo at binasa muli ang labing nangingislap sa pula.

"I miss you... Comeback to me Trace... Please... I'll do good. Di kita ipapahamak. This time... I'll be careful. Please..." he suddenly said out of nowhere. Malamlam na ang kanyang mga mata at makikita mo ang sinseredad doon.

Hindi na pwede ang gusto niya. May mga bagay na tapos na at hindi na pwedeng balikan. Si Kuya Bram... ni hindi man lang ito nabigyan ng tsansa... Pinagkait nila iyon sa kanya. Di nila ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

"Hindi lahat ng tao... nagbibigay ng chance, Israel..." dismayado kong sabi sa kanya.

Nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig at nakaharap nalang ng buo sa akin. Inabot niya ang aking kamay pero mabilis ko iyong binawi at itinago sa aking likod. Nagulat siya roon pero agad rin namang nakabawi at binasa ang pang-ibabang labi.

"Hindi mo na mababali ang desisyon ko Israel. Sana... Sana ito na ang huli," bigkas ko.

Buong akala ko ay ngingisi na naman ito o malademonyong tatawa pero noong tumango lamang siya at nagpaubaya sa aking gusto ay napakurap na ako.

"Ito na nga ang huli," wala sa sarili niyang sabi at mukhang may naiisip ng iba.

Hindi na ito nagpakita sa main gate kinabukasan. Di narin ako nagtaka dahil iyon naman ang sinabi niya.

Tama naman ang ginawa ko, hindi ba? Mas mabuting dumistansya kami sa isa't isa. Lalo na't hanggang ngayon, hindi ko alam kung...kaya ko na bang magpatawad sa nangyari kay Kuya Bram. Lalo na't pinatay ang aking kapatid na walang ginawang masama sa pamilya nila. Pinatay siya dahil...gusto lang nilang gumanti sa amin.

"My crush disappeared! Oh my gosh magmomove-on na ako!" deklara ni French na ikinatawa ko nalang.

Summer.

Katulad ng nangyayari tuwing summer ay busy rin kaming tatlo sa pagsama kay Daddy tuwing may business gatherings. Napapansin ko na palagi akong pinapaclose ni Daddy kay Jackson. Kahit si French ay ganoon rin. Iba ang kutob ko kay Jackson. Kung hindi siya ipapares kay French, baka sa akin rin.

"Alam mo Jack, you're guwapo naman but I'm loyal to my crush eh. Did your parents told you na ipipair daw tayo or kayo ni Trace?" tanong bigla ni French kay Jackson noong nahalo kaming tatlo sa iisang lamesa.

Nagulantang ako sa tanong pero gusto ko ring malaman ang sagot ni Jackson.

"Di ko alam," tangi niyang sagot at napatingin sa akin.

Nag-iwas agad ako ng tingin at pasimple nalang ibinaba ang mga mata sa suot kong tube top na cocktail dress.

Tuwing linggo ay lumalabas kami ni French ng bahay at pinapasyal niya si Kaki. Nakakapagskateboard na ako kaya iyon ang libangan ko at minsan pag sumasama sa amin ni Kuya ay tinuturuan niya ako ng mga tricks.

"Hi Trace!" Bati sa akin ni Ryle nang mapadpad na kami sa Clubhouse.

"Uhm hello... Nandito rin ako, Ryle," hirit naman ni French at kumaway pa pero may plastik na ngiti.

Tumawa si Ryle at nahimas ang batok. Tinapik naman siya noong isa niya pang barkada at sinenyasan na magbasketball na sila with Kuya Brennan. Ngumiti pa ito ng matamis sa akin kaya nginitian ko nalang rin.

Umupo kaming dalawa sa bleachers at nanood ng kanilang game. Si French naman itong todo cheer kay Kuya Brennan.

"Pumalya sana ang shoot ni Kuya! Matalo sana ang team niya! Go! Go! Go!" Iyon ang kanyang sinisigaw kaya ang talim rin ng tingin ni Kuya sa kanya na ikinakatawa ko lang.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon