Chapter 47

50.6K 1.6K 150
                                    

Warning: R-18

Taste

"So... You're doing fine." Nilingon niya ako.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nakatitig sa akin.

"Ikaw rin..." sabi ko sa kanya.

"You don't like when I'm chasing you so I stopped."

M-May punto siya.

"What kind of party are you attending?" biglaan niyang tanong na ikinabura ng pinag-iisip ko.

"Ah business..."

Tumango tango siya at mukhang wala namang pakialam sa bagay na iyon. So coincidence nga lang siguro talaga kaya siya nandito.

"I have clothes in my room. We can go there. Di ka pwedeng bumalik doon na basa ka."

Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Nanlaki pa ang aking mga mata noong nilingon ko ito.

"H-H'wag nalang..."

Umangat agad ang kanyang kilay at bumaba pa ang tingin sa aking katawan.

"I can clearly see your firm boobs and your thin body."

Bumaba ang aking mga mata sa aking katawan at totoo nga... At pag bumalik ako roon... Baka mapagalitan rin ako ni Tita Brenda. Saka ang alam ko, hanggang midnight ang party na iyon. At sa nangyayari roon, sigurado akong magtatagal nga sila Papa dahil importante ang nagaganap.

Tumayo si Israel kaya tiningala ko pa ito. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Ilang sigundo ko pa iyong pinag-isipan pero sa huli ay pumayag rin ako.

Huminto kami sa isang room. Binuksan niya iyon saka niya ako nilingon. Bigla akong kinabahan pero dahil wala naman itong malisya... pumasok ako.

Malaki ang room na iyon. Ang sumalubong agad sa akin ay malamig na gawa ng loob. Napatingin ako sa gilid at nakita ang aking kabuuan sa malaking salamin. Basang basa nga ako at medyo natutuyo na ang aking buhok dahil nipis lang naman iyon pero mahahalata paring basa ito.

May kinalkal si Israel sa may gilid ng malaking kama at kinuha roon ang tuwalya saka nipis na malaking puting cotton shirt. Inilagay niya iyon sa kama at nilingon ako. Sinenyasan niya akong kunin iyon.

Humakbang ako pero noong nakita kong walang kahirap hirap niyang hinila sa kanyang likod ang kanyang suot at hinubad ito ay natigil na ako sa paglalakad. Suminghap ako at mabilis na tumalikod.

"B-Ba't ka naghuhubad?! A-Akala ko ba... M-Magpapatuyo lang ako dito!" Pulang pula kong sabi at halos lalabas na ata sa aking dibdib ang puso kong nagsisimula naring magwala.

"I'm wet too..." he chuckled playfully, nanunuya pa ang boses!

"Chill. Don't act as if it's your first time seeing me topless," sabi niya sa nakakaakit na boses at mukhang nang-aasar na.

Mas lalo akong namula. Para na akong lalagnatin at gusto nalang kumaripas ng takbo sa labas.

"Magbihis kana para mahubad mo na 'yang suot mo. Basang basa ka," aniya.

Kinalma ko ang aking sarili at humarap muli. Ngayon ay nahubad niya narin iyong sweatpants niya at may panibago ng sweatpants na suot. Iyon nga lang... topless parin. Ni hindi na magsink-in sa aking utak ang huli niyang katawan kumpara ngayon. Ibang iba na...

Nanginginig akong naglakad palapit sa kama at kinuha iyon. Dumeritso agad ako sa cr at para makapagbihis. Napasandal pa ako sa pinto at parang aatakihin na dahil sa kaba. Nasapo ko ang dibdib at hinabol ang hininga. Walang malisya Trace... Isipin mo nalang na magkaibigan kayo... Kahit iyon nalang siguro.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon