Chapter 57

53.2K 1.7K 354
                                    

Fiancee

Naging malamig na nga ang pakikitungo ni French sa akin. Nakikipagtawanan naman siya sa mga circle of friends niya kaya pag niyayaya ako ng iba niyang kaibigan na sumama sa kanila ay tumatanggi nalang ako at dumidistansya.

"Kawawa si French ha. If totoo 'yung kumakalat na rumor na inaahas siya ng kapatid niya sure ako mas kawawa si French. Eh diba she's anak lang sa labas and her Mom is kabit pa? Edi parang ganon narin ang ginawa niya kay French. Inagawan niya rin like her Mom did to French's Mom."

"O M G. Poor French. I thought she's mabait rin eh kasi diba she's very innocent and she's very quiet pa. Yun pala nasa loob ang kulo..."

"But French seems okay naman and di naman siya inaaway. What if nagparaya pala siya for the sake of her sister nalang 'no?"

"French hates sharing ha. She's spoiled kaya..."

Mabilis kong kinuha ang binili kong pagkain at umalis na roon sa cafeteria.

Nagkita ulit kami ni Israel pero saglit lang. Pumayag naman ito at di na ako kinulit. Nagpaalam rin siya sa aking may tatlong araw ulit siyang business trip kaya pumayag rin ako para magamit ko iyong vacant time niya at gawin ng advance ang mga school works ko.

Tumambay ako sa sala sa gabing iyon. Doon ko ginawa ang aking mga kailangang sagutan na assignment at may isa pa akong project sa isa ko pang subject.

Umalog ang sofa at naramdaman ko nalang ang presensya ni Papa sa aking tabi. Nilingon ko siya na nakasalamin na at nakaroba.

Inangat niya iyong isang bond paper kung saan ko isinulat iyong isa ko pang ginawa na report ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin at tumango tango pa.

"Do you have a powerpoint for this?" tanong niya na ikinailing ko.

"Gagawa pa po ako bukas, Papa," sagot ko at tiningnan ito ng mabuti.

"You're good huh. Di ako magtataka kung naging Cum Laude ang anak ko." Ngumisi siya sa akin at hinawakan ang aking ulo.

"Gusto ko nga rin po. Sayang kasi ang malaking tuition kung hindi ako magsisikap."

"It's okay. I know you're smart. Don't pressure yourself too much. I'm fine with your achievements. Si Kuya Brennan mo nga halos bumagsak pa iyon sa isang subject." Nailing si Papa na ikinatawa ko ng marahan.

"Kayo ata ni Bram ang nakamana ng katalinuhan ko. Itong dalawa... Si French at Brennan, sakit sa ulo ang namana," pabulong niyang sabi sa akin na sabay naming ikinahalakhak.

"Papa, mas matalino po si Kuya Bram sa akin eh. May exam iyong napeperfect niya."

"I'm such a proud father. Di ako nagsisisi at nagkaanak ako kay Tasha dahil biniyayaaan niya ako ng dalawang anghel." Lumapit si Papa sa akin at hinalikan ako sa noo. Napanguso ako at nagpigil na ng ngiti.

"Salamat po, Papa..."

"Anything for you, sweetie."

Nagngitian kami ni Papa saka ko rin naman ibinalik ang tingin sa aking ginagawa. Mukhang tulog na si Tita Brenda at pagod na pagod sa trabaho.

"Oo nga pala... Kumusta na kayo ni Israel? May progress ba? That guy is very intimidating and..." My father trailed off. Kumunot lang ang kanyang noo at mukhang hindi alam kung paano ilalarawan si Israel. Madilim, marahas at maldito po, Papa...

"Nakakatakot po?" dugtong ko na ikinatango niya agad.

"Yes. But you see... Chinese people prefers men like Israel because he's a business minded person. I heard him talked about it and I could really say he's good. No wonder their real estates here in Davao is progressing."

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon