Chapter 37

45.2K 1.5K 298
                                    

Chua

Habang nasa gitna ng byahe, iniisip ko ang magiging kalagayan doon ni Mama. Mag-isa lang siya. Kakayanin niya ba? Paano pag nagkasakit ulit siya, sinong mag-aalaga sa kanya?

Nang rumehistro iyon sa aking utak ay gustong gusto ko ng bumaba sa bus at bumalik sa aming bahay. Naiiyak na naman ako idagdag pa ang pangungulila ko kay Kuya. Ang huli niyang sinabi sa akin ay tumakas ako. Gusto niyang takasan ko ang lugar na iyon. Ayaw niya siguro akong madamay sa tuso ng pamilyang iyon.

Anong iisipin ni Papa pag bigla akong nagpakita roon? Hindi ba siya magtataka? Paano kung di ako matanggap noong pamilya niya?

Nagising nalang ako noong huminto na ang bus at pinagpapalo na noong konduktor ang pwetan noon habang sumisigaw na lumabas na lahat ng pasahero.

Mabilis kong kinuha ang isa kong malaking bag at isinuot ng maayos ang maliit na bag sa aking likuran saka ako lumabas ng bus. Kinusot ko ang aking mga mata habang gumagala ang aking tingin. Namangha agad ako sa mga nakita ko. Ang matatayog agad na buildings ang kumuha ng aking atensyon at ang mga taong pakalat kalat rij sa daanan.

Nasa syudad na ang isang tagabukid! Nasa syudad kana ng Davao City, Trace!

"Uy Miss... Saan ang punta mo? Tara ihahatid na kita." May lumapit na lalake sa akin.

Umawang ang aking bibig pero napakurap rin nang sinimulan niyang kunin ang aking dalang bag at ipasok iyon sa likod noong puting sasakyan na may nakalagay na taxi. Binuksan niya naman iyong likod kaya doon ako pumasok. Ang lamig agad ng loob ang sumalubong noon sa akin.

Ilang sigundo akong naghintay sa loob hanggang sa pumasok rin naman ang lalake sa driver's seat.

"Saan ba kita ihahatid Miss Ganda?" Ngumiti siya sa akin doon sa itaas ng salamin.

Kinuha ko agad iyong card na kinaroroonan ng Residence ni Papa.

"Dito po sa Woodridge Subdivision." Ibinigay ko iyon sa kanya.

Kinuha niya iyon saka tiningnan.

"Ah dito..." Tumango tango siya saka ulit ibinalik iyon sa akin.

Buong byahe ay iniisip ko lamang ang magiging reaksyon ni Papa. Pumasok ang taxi sa aking malaking gate. Huminto pa kami dahil sa dalawang gwardya na chineck-up ang loob.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita kong mga bahay. Noong sinabi ni kuya na mayaman si Papa, unti-unti nang nagsisink-in sa akin kung gaano sila kayaman.

Huminto ang taxi sa isang napakalaking bahay na may puti at itim ang exterior design na ikinalaglag lalo ng aking panga. Sobrang laki rin ng kulay itim na gate nila. I-Ito na ba ang bahay ni Papa?

"Mukhang iyan na ang Chua Residence Ma'am..." sabi noong taxi driver habang sinisipat rin ng tingin ang bahay.

Lumunok ako ng laway at ramdam ang pangangatog ng aking mga paa. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Anong magiging reaksyon nila sa akin?

"Magkano po ang bayad?" tanong ko pa.

Pinindot niya iyong gitna kaya nakita ko rin ang halaga na naroroon. Nanlaki ang aking mga mata at hindi alam kung tama ba iyong nakikita ko.

"Three hundred eighty lahat, Ma'am."

"H-Huh? Ba't ang laki po?" takang taka kong tanong.

"Taxi kasi ito at aircon pa. 'Tsaka malayo rin ang lokasyon ng pinaghatiran ko sa'yo kaya ganito na kalaki. Tagabukid ka ba, Miss?" Tumawa pa ito at sinipat ako ng tingin.

Ngumuso ako at kinuha ang aking pitaka. Nakagat ko agad ang aking pang-ibabang labi noong makita ang pera na 200 na lamang.

"K-Kulang po ang pera ko..." Bigo ko itong tiningnan na nilingon pa ang bahay.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon