Chapter 48

50.5K 1.3K 304
                                    

Nakaraan

"Are you wet?" Nagtataka akong tiningnan ni Kuya nang makasalubong ko siya pagkapasok ko.

Noong pumasok si Israel sa banyo—na hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon at wala na akong balak pang alamin, saka ko kinuha ang tsansa na umalis at tumakas.

Naninindigan pa ako na hindi na siya makakapasok sa mundo ko, pero ako itong kusa siyang hinila at...pinapasok.

"A-Ano... Nahulog ako sa pool area, Kuya... At nagpatuyo lang ako doon..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Nahulog ka? Eh hindi marunong lumangoy. Marunong kana?" tanong niya pa at nagkakasalubong ang kilay dahil sa aking hitsura.

Inayos ko ang aking buhok at umiling.

"Nawalan ako ng balanse sa may parteng 4 feet kuya... Nasa gilid kasi ako... naglalakad..." alibi ko nalang na ikinakalma ng kanyang mukha.

"I'll tell Dad para makauwi kana rin. Magkakasakit ka niyan," aniya na ikinatango ko at ngumiti nalang ng pilit.

Umuwi rin naman kami at iyon nga... Napagalitan ako ni Tita Brenda habang nasa sasakyan kami. Suot ko na ngayon ang coat ni Papa para labanan ang lamig ng loob.

"My God Trace... You're a walking disaster. Buti at di ka nalunod doon!" pagalit na sabi ni Tita at nararamdaman ko rin sa boses ang pag-aalala.

"Trace, anak. Bawal ka talagang mag-isa. Paano nalang kung sa 6 feet ka nahulog? Wala kaming kaalam alam na lumulutang kana pala roon at wala nang malay," si Papa naman na nilingon pa ako sa likod.

"Sorry po..." tanging sambit ko at nilingon si French na tahimik sa aking gilid, nakahalukipkip at nasa labas ng bintana ang tingin.

Tahimik lamang si French hanggang nasa bahay na kami. Ni hindi na ito nag goodnight kay Papa at kay Tita Brenda at deri-deritso lang sa pag-akyat ng kuwarto.

"She doesn't like it. See Liam?" sabi pa ni Tita Brenda.

"She'll be fine. Ganyan rin naman noon si Brennan," si Papa naman.

Binalingan ako ni Tita Brenda. "Go to your room now Trace. Kausapin mo iyong kapatid mo baka gusto non ng kausap," sabi niya na ikinatango ko.

"Sige po Tita. Uhm, Papa, akyat na po ako."

Umakyat ako ng kuwarto saka ko nadatnan si French sa aking kama, nakahiga roon at niyayakap ang aking unan. Ni hindi pa ito bihis.

"Dad scold me kanina kasi I told him I'm not going to marry a Chinese. What am I going to do?" tanong niya sa garalgal na boses at mukhang maiiyak na ano mang oras.

"Ano bang sabi ni Papa?"

"He told me mag geget to know pa naman daw. Baka daw magustuhan ko and we'll work-out." Bumangon siya at hinarap ako. "You know I don't like Jackson, Trace! And you know what sino ang gusto niya, ikaw! Pinrangka ko siya. I told him I don't like him and sabi niya di niya rin daw ako gusto. He likes you! That guy likes you!"

Nalaglag ang aking panga sa isiniwalat ni French sa akin. Natampal niya pa ang kanyang noo at naitapon ulit ang sarili sa aking kama.

"I like someone else! I am ready for this naman noon pero iba na ngayon! I already like someone else!" Pinagsisipa niya ang kanyang mga paa roon na kahit ang iba kong unan ay nalaglag na.

Pinulot ko iyon at ibinalik sa kama. Wala akong masabi sa nalaman kong gusto ako ni Jackson. Ang tanging pumapaibabaw sa akin ngayon ay ang nangyari kanina sa kuwartong iyon.

Nagpaalam muna akong magbihis lalo na't malagkit ang pakiramdam ko. Pagbalik ko sa aking kama ay kalmado na si French at iba na ang tingin sa akin. Di ko alam kung may napapansin ba siyang kakaiba o ako lang itong guilty dahil alam kong may nangyari kanina.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon